Tagalog module on
NFTs
Powered by likha

Mga use-case ng NFT

Key Takeaways
  • Madalas ginagamit ang mga NFT sa gaming industry, mas lalo na sa aspetong Play-To-Earn.
  • Ang mga artista ay maaring makabenta ng mga musika at artwork na ginawang NFT diretso sa mga tagahanga nila at maiwasan ang anumang resistensya na humahadlang sa kanila.
  • Ang mga NFT ay pwede ring kumatawan ng real estate kagaya ng lupa, mga condominium, at mga bahay.
  • Sa mga ilang taong nakalipas, iba’t ibang kompanya ang nakagawa ng mga makalikhang paraan para maisulong ang kanilang mga brand gamit ang mga NFT.
  • Kaya ng mga NFT lumampas pa sa mga digital na makalikhang gawa at pwede ring magamit sa mga industriya kagaya ng supply chain management, pag-ticket, at kahit nga sa gobyerno.

Habang sinusulat ito, ang mga NFT ay kadalasang ginagamit kumatawan ng mga digital na artwork o illustrasyon. Gayunpaman, nagpatuloy ng mga dalubhasa na siyasating ang ibang use-case at tuloy-tuloy hinuhubog at binibigyan liwanag kung ano ba talaga ang NFT. Madali natin tingnan ang mga iba’t ibang use-case ng mga NFT.

Mga Laro

Sa ngayon, ginagamit ng lubusan ang mga NFT sa gaming industry lalo na sa aspeto ng Play-to-Earn, kung saan makakuha ng mga pisikal na gantimpala ang mga naglalaro kung makakumpleto sila ng mga gawain, labanan ang ibang manlalaro, or pagtaas ng mga lebel sa laro. Dito, ang mga NFT ay kinatawan ng mga asset sa laro kagaya ng mga aksesorya, mga halimaw, at pati na rin ang mga kasangkapan. Dahil sa mga NFT, nagkakaroon ng tunay na pagmamay-ari sa mga asset at bagay, na dinagdagan pa ang kanilang halaga sa taas ng mga normal na skin kagaya ng nakikita sa CS:GO o sa Fortnite.

Dahil ang mga NFT ay base sa blockchain, ang mga asset na ginawang NFT na nasa loob ng laro ay pwedeng gamitin sa labas ng ekosistema ng orihinal na laro. Isipin lang kung pwedeng magamit ang isang sandata ng isang laro at gamitin ito sa ibang paraan sa iba pang laro!

Sinisiyasat na ng mga tao na gumawa ng mga metaverse sa paligid nitong mga NFT, kagaya ng Decentraland ($MANA) at The Sandbox ($SAND). 

Dito sa Pilipinas, ang pangunahing paggalaw sa laro kung saan sangkot ang NFT ay 'yung pagsikat ng Axie Infinity, kung saan nagkukumpetensya ang mga manlalaro sa isa’t isa at kumikita nang cryptocurrency.


Kultura (Sining at Musika)

Dahil sa mga NFT, nagkaroon ng tunay na pagmamay-ari ng mga produktong pang-kultura kagaya ng sining at musika. Sa pamamagitan ng paggawa ng NFT sa kanilang artwork at musika, kaya na ng mga artistang ibenta ang mga ginawa nila diretso sa kanilang mga tagahanga and lampasan ang resistensya na humahadlang sa kanila, kagaya ng mga gastos sa pag-iimbak, sa pagpapadala, at sa logistiks, kasama ng mga iba pa. Kaya na nga mga artistang angkinin ang pagma-may ari ng buo at kumita sa gawa nila.

Isang halimbawa nito ay ang paglabas ng special edition ng bandang Kings of Leon gamit ang YellowHeart -  isang NFT marketplace na kumokonekta sa mga musikero at ang kanilang mga tagahanga.

Noong Marso ng 2021, buong giting na nagdesisyon ang Kings of Leon na maglabas ng pinakaunang NFT album sa kasaysayan ng industriya ng musika. Nilabas nila ang album na pinamagatang “When You See Yourself” sa ibang plataporma kagaya ng Spotify, iTunes, Apple Music, at Amazon. Pero ang bersyon na NFT na nandoon sa Yellowheart ay 'yung kaisa isa na may pinaganda pang medya - isang gumagalaw na album cover, digital download nung mga ginawang kanta, at edisyong limitado ng vinyl/plaka.


Real estate

Dahil sa abilidad ng mga NFT na kumakatawan sa pagmamay-ari ng mga asset, ang mga NFT ay pwede ring gamitin para kumatawan ng real estate kagaya ng mga condominium at mga bahay. Ang paggamit ng mga NFT para mapatunayan ang pag-aari sa halip na gumamit ng mga tradisyunal na sertipiko ay lubos na nababawasan ang peligrong mapeke o maloko, habang nagpapadali sa mga may-ari magbenta, magpapatunay, at magpatibay ng kanilang mga pag-aari.

Isa pang mahalagang aplikasyon ay ang paghati-hati ng mga NFT. Halimbawa, ang isang NFT ay pwedeng gamitin na kumakatawan ng isang lupain sa Batangas. Ang NFT na ito ay pwedeng ikatawan ng mga maliliit na NFT, na kumakatawan sa pag-aari ng mga mas maliit na lupain. Bukas na ang pinto sa maraming posibilidad, kasama na dito ang paglaganap na pag-aari ng lupa at hatian ng kita sa mga may-ari.


Marketing

Sa larangan ng marketing, sinisiyasat ng mga tao kung paano makatulong ang mga NFT para maisulong nila ang kanilang mga brand, ang pagkakaugnay sa komunidad, katapatan ng mga mamimili para sa mga brand nila. Sa loob ng ilang taon, nakahanap ng mga makabagong paraan ang mga kumpanya na pasikatin ang mga brand nila gamit ang mga NFT.

Ang isang halimbawa ay ang paglabas ng mga NFT ng Budweiser na binigyan ang mga may hawak ng access sa isang pribadong party na may bottomless na beer, mga banda, mga tour, at mga kapanapanabik na mga giveaway. Ang halimbawa na ito ay nagpapakita kung paano magbigay ng mga insentibong eksklusibo at nakakatulong magpalaki ng komunidad.

Future Applications

Sa ano ang maasahan natin sa darating na panahon, ang teknolohiya ng mga non-fungible token ay makakabigay ng mga benepisyo sa kahit na anong larangan na nangangailangan ng mga sertipikasyon, pagka-orihinal, at kaalaman ng pinanggalingan. Lampas pa sa mga gawang digital ang paggamit sa mga NFT at maaaring gamitin sila sa mga industriya kagaya ng supply chain management, pag-ticket, at kahit sa pamahalaan ng bansa.

Para sa mga supply chain, ang impormasyon tungkol sa lokasyon ng isang kargamento, kung saang mga daungan pumunta, ang mga trabahador na nag-tsek dito, ang bawat detalye ng temperatura at bigat ng kargamento, ay maaring itala sa mga NFT at makita ng lahat. Makakatulong ang mga NFT sa pagsusubaybay ng mga shipperat pagpaluwag ng mga shipping lane habang nagbibigay ng ang kailangan na nakikita ng mga supplier ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga shipment nila.

Ang mga tiket sa mga pagtatanghal, mga  pagpupulong at mga kaganapan ay pwedeng gawin gamit ang mga NFT. Kung ikumpara sa mga sistema ng pag tiket na ginagamit ngayon, ang pagtiket na gamit ang NFT ay nakakatipid sa maraming gastos kasama na ang lakas-tao at produksyon ng mga tiket. Ang mga kailangan lang para sa pag-tiket ay ang paggawa ng isang landing page at paglikha ng mga NFT. Dagdag pa dito na sa halip na itapon 'yung NFT pagkatapos ng ganap ay pwedeng itago ang NFT na tiket sa wallet magpakailanman.

Ang magandang halimbawa nito ay 'yung sa paglabas ng Coachella ng kanilang koleksyon ng mga NFT na kasama ang 10 Coachella Keys NFT na nagsisilbing habang-buhay na VIP festival passes na nasa Solana blockchain kasama ng FTX. Ang Coachella ay nakikita bilang isang malaking hakbang tungo sa metaverse sa anyo ng birtwal na mga pagtatanghal ng musika at ang pagdala ng mga birtwal na karanasan sa totoong buhay.

Ang mga NFT ay pwedeng kasangkapan para sa mga iba’t ibang gawaing talaan ng gobyerno. Dahil sa abilidad ng blockchain na panatilihin ang orihinal na impormasyon, ang pag peke ng mga birth certificate, detalye ng insurance, mga diploma, at kahit mga pasaporte ay magiging halos imposible maliban lang kung makompromiso o wasakin ang sumasailalim na blockchain.

Ang isang halimbawa nito ay ang paggamit ng teknolohiyang NFT ng San Marino para maglabas ng mga Covid-19 passport na base sa NFT noong 2021, na ligtas at madaling maberipika ang talaan ng vaccination ng mga tao.

Ang mga NFT ay nakakatulong din sa pagtatala ng mga mahahalagang transakson, kagaya ng pagbebenta ng mga kagamitan o mga kotse, na walang bahala na mawawala o mababago ang mga impormasyon na ito. Ang pagbabagong ito ay isang hakbang na pasulong sa pagtatala ng impormasyon kung ikumpara sa tradisyunal na papel at digital sa mga sentralisado na storage system.

Ang iba’t ibang aplikasyon ng mga NFT ay marami at makabago, sa laro at sa musika at sa mga lupain. Sa darating na panahon, hindi malayong isipin na magbabago pa ang mga NFT at makakaepekto pa sa ibang industriya.


IBAHAGI