Kahit na maraming ipinapangako ang mga NFT, mahalagang maunawaan na may mga pagkukulang at limitasyon din ito, lalo na’t napakabagong teknolohiya ito. Ang mga limitasyon nito ay pwedeng isaalang-alang na pansamantala lang at malulutas din sa mga pagbabago sa teknolohiya at paglaganap ng paggamit. Isa-isahin natin ito.
Ang unang problema na pag-uusapan natin ay ang pag-imbak ng metadata ng NFT. Dahil sa limitasyon ng pag-imbak sa blockchain, ang metadata ng NFT at ang imahe niya ay kadalasang nakaimbak sa labas ng blockchain - sa mga storage system kagaya ng IPFS, Arweave, o kasing simple ng Google Drive.
Ang delikado sa pag-imbak na off-chain ay hindi garantisado ang bisa at buhay ng metadata at imahe kung ikumpara sa pag-imbak sa loob ng blockchain. Pag-iimbak off-chain, maaring pakialaman, baguhin, o alisin ang metadata ng mga may masamang hangarin para sa kanilang pakinabang. Kahit ang mga namamahala ng mga proyekto ay nagkakamali na nalalagay sa peligro ang integridad ng NFT
Halimbawa, may naglagay ng imahe ng NFT sa kanilang Google Drive, madali lang itong makompromiso ng masamang tao. Pareho din ang panganib sa mga non–blockchain na desentralisado na storage system.
Nagpapatunay lang ito kung gaano kahalaga ma-check ang struktura sa ilalim ng NFT na bibilhin ninyo. Lalo na kung saan iniimbak ang metadata at ang imahe ng NFT.
Ang pangalawang at mas mabigat na limitasyon ay ang mga legalidad na pumapaligid sa mga NFT. Habang sinusulat ito, wala pa ring kahulugang unibersal ang “non-fungible token.” Dahil sa bilis ng galaw ng espasyo, mahirap pag-uri-uriin ang mga NFT sa ibang halos pareho na teknolohiya at assetng digital habang wala pa itong legal na katuringan. Ang resulta nito ay mas mahirap pa dumating ang tamang regulasyon sa espasyo ng NFT.
Kasama ang mga legal na limitasyon, ang mga karapatan sa Intellectual Property (IP) ay nahuhulog din sa isang malabong lugar dahil tumutukoy ito sa artwork na kinakatawan ng NFT at hindi ang token. Sa madali’t salita, ang pag-aari ng NFT ay hindi laging pareho sa pagkakaroon ng karapatang gamitin ang asset na nasa ilalim sa paanong paraan na gugustuhin mo maliban kung klarong sinabi ng lumikha.
Gayunpaman, may mga kaso kung saan 'yung buong mga IP Rights ay binigay sa mga may-ari ng NFT, kagaya doon sa Bored Ape Yacht Club kung saan 'yung mga may ari ay sinimulan na nang gamitin 'yung mga commercial rights sa iba’t ibang industriya kagaya ng pelikula, musika, at pananamit.
May mga taong nag aalala sa epekto ng mga NFT sa kalikasan. May mga pananaliksik na nagmumungkahi na ang carbon footprint ng paggawa at paggamit ng NFT ay napakalaki kung ikumpara sa pagkonsumo ng enerhiya ng ibang mga industriya. Sinasabi ng ibang tao na ang enerhiya na kinokonsumo ng isang transakasiyong na gamit ang NFT ay kaya nang magpatakbo ng isang refrigerator ng isang buwan.
Gayunpaman, mahalaga din tingnan ang dalawang bagay. Ang una ay ang mga blockchain ay gumagana na parang tren at 'yung mga NFT ay isa lang sa mga pasahero dito. Kahit na meron o walang mga pasahero (mga NFT) ang tren (yung blockchain), aandar pa rin ang tren na 24/7. Ang carbon footprint nito ay napakalaki pa rin, kahit na meron o walang mga NFT. Ang pag-iral ng mga NFT ay walang epekto sa pagkonsumo ng enerhiya ng blockchain.
Gayunpaman, hindi ito ibig sabihin na ang mga NFT ay walang sala. Ang ibig lang nitong sabihin ay dapat ilipat ang pokus ng mga diskusyon sa pagkonsumo ng enerhiya sa mga blockchain at sumuporta sa mga pagbabagong patungo sa mga hindi nakakasakit sa kalikasan - dito pumapasok ang Ethereum 2.0.
Ang karamihan sa pagkonsumo ng enerhiya ng NFT ay galing sa blockchain ng Ethereum, na gumagamit ng mekanismo ng kasunduan na Proof-of-Work kagaya ng Bitcoin. Pero, ang Ethereum ay lilipat na sa mekanismo ng ng kasunduan na Proof-of-Stake sa ilalim ng Ethereum 2.0, na pinapabuti ang carbon footprint ng 99.9%. Ito ay diretso nang binibigay pansin ang epekto ng NFT sa kalikasan.
Ang ibang mga blockchain na nag-aalok ng NFT, kagaya ng Solana, Tezos, Cardano, at Binance Smart ay may maliliit na carbon footprint, dahil gumagamit sila ng iba’t ibang mekanismo ng kasunduan. Tatalakayin natin ang mga mekanismo ng kasunduan na ito sa ibang kurso.
Sa tabi ng mga limitasyon nga kasalukuyang teknolohiya ng mga NFT, may mga peligro din sa espasyo kung saan ang mga may masamang hangarin ay naghahanap ng paraan lamangan ang mga namumuhunan at nagkakalakal. Maniguradong iwasan ang mga ito!
Ang “rug-pull” ay galing sa isang kasabihan sa Ingles na “pulling the rug out”. Ito ay kung saan ang mga developer ng isang koleksiyon ng mga NFT ay nag-iingay para sumikat ang proyekto nila at mangako ng kung anu-ano sa komunidad. Nang matapos na ang paggawa ng NFT, tatakbuhan nila ang kanilang mga nabigong namuhunan.
Ang isa pang bersyon ng “rug-pull” ay ang “slow rug pull” kung saan ang mga NFT developer ay nagkukunwaring ipinagpatuloy ang proyekto pagkatapos ihulma 'yung NFT, at mawawala na lang sila at unti-unting aalis sa komunidad. Madalas mangyari ito pag 'yung mga developer ay gustong kumita pa lalo sa mga royalty ng NFT
Ang phishing link ay isang malisyoso na link na dinesenyo para maloko ang mga gumagamit na magdownload ng virus, na mawawalan sila ng kontrol sa crypto wallet nila, o makuha ang sensitibong impormasyon tungkol sa sarili o crypto at mga NFT nila. Dahil sa paglaganap ng mga NFT, ang mga phishing link ay nagiging karaniwang panggoyo ng mga scammer na kumakalat sa mga komunidad sa Twitter, Discord, at Facebook.
Ang karaniwang ginagawa ng mga scammer ay kalabitin ka gamit ang nakakaakit na mensahe na may kasamang link. Kagaya nito
“MINT IS LIVE: bitskw3la.com”
“You have been selected to mint a free Bored Ape, connect your wallet in bitskwellaaa.com to claim”
“Claim your whitelist for Bored Ape Yacht Club, connect your wallet at bitschool.com”
Alalahanin na mag-ingat at mag-triple check ng mga link bago i-click ang mga ito. Kung may namumuhunan na mahulog sa patibong na ito at mag-click ng link na bukas ang kanilang cryptocurrency/NFT wallet, nasa peligro sila na manakawan ng mga asset na crypto at pribadong impormasyon nila.
Dahil nasa internet tayo, ang fraud/pamemeka ay isang bagay na dapat palagi nating pinag-iiwasan habang iniikot nating ang espasyo ng NFT. Ang mga scammer ay nakakagawa ng mga pekeng mga profile ng mga sikat na tao na nagbebenta ng mga pekeng NFT, na may litrato na kasama ang mga pekeng followers. Ang isang pang halimbawa ng pamemeke ay ang paggawa ng mga malisyosong mga website na pareho ang itsura ng mga sikat na NFT Marketplace kagaya ng OpenSea o MagicEden. Palaging alalahanin na i-check ang URL ng website bago makipag-ugnayan sa anumang marketplace na website.
Dahil ang mga digital na mga imahe sa internet ayu madali i-copy-paste, may ibang masamang tao ang inaabuso ito, ninanakaw ang mga likha ng mga artista at ibenta ang mga ito na NFT. Pwede rin nilang kopyahin ang buong koleksyon ng NFT sa pamamagitan ng pag-copy-paste ng bawat isa at pagbenta nito na umaasang makaloko ng mga baguhan.
Ang solusyon dito ay sariling sikap na alamin ang lahat sa NFT. Ang pag-tsek ang kamakailan na pangyayari, ang mga lumikha sa likod ng proyekto, at ang pagsusuri ng mga opisyal na link ng website ay makakatulong iwasan ang mga pekeng koleksyon.