O tara na. Pasukin na natin ang mundo ng Bitcoin! Pero una sa lahat, ipaliwanag ko muna ang tatlong takda: Fiat Money, Digital Currency, at ang Cryptocurrency.
Ang Fiat money ay kahit na anong klaseng pera na nilalabas ng isang sentral na gobyerno. Itong uri ng pera ay hindi sinusuporta ng pisikal na kalakal. Ang halaga nito ay talagang base sa tiwala ng tao sa kakayahan ng gobyerno na panatilihin ito. Ang mga halimbawa ng fiat money ay ang Philippine Peso (PHP), United States Dollar (USD), European Dollar (EUR) at Japanese Yen (JPY).
Ang Digital Currency ay kahit na anong uring pera na pinamamahalaan, iniimbak o pinagpapalitan sa mga digital computer systems, lalo na sa pamamagitan ng internet.
Ang mga karaniwang uri nito ay iyung mga peso na nakaimbak sa GCash, Paymaya, Unionbank, o kahit na iyung mga natitirang balanse sa loob ng inyong Grab Wallets.
At sa huli, ang cryptocurrency ay isang uri ng digital currency na base sa cryptography. Ito ay peer-to-peer at kadalasang desentralisado.
Huwag kayong kabahan kung hindi klaro, ipapaliwanag ito sa mga susunod na yugto.
Ang cryptocurrency ay isang uri ng digital currency na base sa cryptography. Pero importanteng malaman na hindi direktang magkasinghulugan ang cryptocurrency sa digital currency.
Samakatuwid, lahat ng mga cryptocurrency ay digital currency. Pero hindi lahat ng digital currency ay cryptocurrency.
Ang ibang uri ng mga digital currency ay iyung mga “virtual currency” kagaya ng Lazada Reward Points at iyung mga central bank digital currencies, na “digital money” na nilalabas ng gobyerno.
Handa na ba kayong sumulong sa ating pag-aaral? Simulan natin sa paghati ng salitang “cryptocurrency” sa pinagmulan niyang mga termino: crypto at currency.
Crypto ay nanggaling sa salitang “cryptography” na tinutukoy ang mga pinagsasagawa ng mga ligtas na pamamaraan ng komunikasyon na merong paligid-ligid na mga taong may masamang hangarin. Sa madaling salita, ang cryptography ay pamamaraang pagtago ng impormasyon.
Ito ay isang halimbawa ng kung paano gumagana ang cryptography:
Sabihin natin na si Pedro ay may gustong ipadala kay Darna ng isang palihim na mensahe na si Darna lang dapat ang makakabasa. Para magawa ito, dapat isa-memorya nila iyung nasa baba:
Kapag naipadala ang “ADC” ni Pedro kay Darna. Maiintindihan ni Darna ito na “143”.
Sa ganitong paraan, sina Pedro at Darna ay ligtas na makakapag-usap na hindi mababahalang may ibang makakaintindi sa pinag-uusapan nila.
Ang halimbawang ito ay isang kaso ng “simplified cryptography”. Ang ginagamit ng Bitcoin ay “asymmetric cryptography”. Pag-uusapan natin ito sa susunod na yugto.
Ang Currency naman ay ang daluyan ng palitan at ang sistema ng pera na karaniwang ginagamit sa loob ng mga bansa. Ang mga halimbawa nito ay ang Philippine Peso (PHP), United States Dollar (USD), European Dollar (EUR), o Japanese Yen (JPY).
Kapag nasabi na ang lahat,maipagsasama na natin iyung dalawang salita para makakuha ng iisang simpleng kahulugan.
Ang cryptocurrency ay isang uri ng digital currency na protektado laban sa panganib dahil sa cryptography, at dahil dito ay halos imposible i-peke o i-hack.
Ang mga cryptocurrency ay kadalasang base sa blockchain, kaya halos lahat sila ay desentralisado.
Sa madaling salita:
Blockchain - ang teknolohiya sa likod ng Bitcoin.
Desentralisado - ang pagiging walang isang nilalang na may kontrol.
Paguusapan natin iyung dalawang salita sa mamayang pagkakataon.
Sa ngayon, magbigay pugay tayo sa ating mga sarili dahil alam na natin ang ibig sabihin ng cryptocurrency!
Sa susunod na aralin, titingnan natin ng sandali ang pinaiklang kasaysayan ng Bitcoin at kung paano ito nagsimula.