Tagalog module on
Bitcoin
Powered by likha

Ang Kasaysayan ng Bitcoin

Key Takeaways

Ang ideya ng Bitcoin ay unang pinakilala noong Global Financial Crisis noong 2008. Noong October 31, si Satoshi Nakamoto ay nag-upload ng isinulat nilang whitepaper na ipinangalang “Bitcoin: A Peer-to-Peer Electronic Cash System” kung saan nila inilatag ang ideya nilang sistemang isang desentralisadong digital currency na hindi na kailangan ng tiwala o mga tagapamagitan sa mga transaksyon.

Ginawa ni Satoshi Nakamoto ang Bitcoin kasi gusto niyang makalaya sa kasalukuyang sistemang pinansyal na puno ng panloloko, korapsyon, pagmanipula, mga sikreto, at kawalan ng katapatan. Gustong alisin ni Satoshi ang pangangailangan ng tiwala sa pananalapi.

Wala talagang may alam kung sino , o ano ang Satoshi Nakamoto. Ang pangalang “Satoshi Nakamoto” ay isang alyas ng isang tao, o isang grupo ng tao na ginagamit para sa isang partikular na hangarin, na ibang-iba sa tunay nilang mga pangalan.

Maraming pinaghihinalaang totoong pagkatao ni Satoshi Nakamoto. Kasama na sina Shinichi Mochizuki, Ross William Ulbricht, Hal Finney, Nick Szabo, at Adam Back. 

Gayunpaman, wala talagang malinaw na sagot kung sino talaga si Satoshi Nakamoto. Mukhang hindi na rin natin malalaman kailanpaman.

Noon ika-3 ng Enero, 2009, ang Bitcoin network ay nabuhay noong minina ni Satoshi Nakamoto ang “genesis block” ng Bitcoin (block number zero), na isinilang ang sinaunang limampung (50) bitcoin.

Ganito ang itsura nito:

Ang sinabi sa teksto na nasa loob ng genesis block The Times Jan/03/2009 Chancellor on brink of second bailout for banks."

Ito ay isang headline sa dyaryo sa eksaktong araw kung kailan minina iyung genesis block. Ito ay nagsisimbolo kung paano iniligtas ng gobyerno ang mga banko at institusyon noong Global Financial Crisis na nabunyag ang bias at corruption na kitang-kita sa ekonomiya

Ang kauna-unahang transaksyon na gamit ng Bitcoin ay nangyari noong ika-12 ng Enero, 2009. Si Satoshi Nakamoto ay nagpadala kay Hal Finney, isang sa mga unang sumuporta at gumamit ng Bitcoin, ng sampung (10) bitcoin.

Noong ika-6 ng Agosto, 2010, isang kahinaan ang nakita sa Bitcoin protocol, na napagsamantalahan ng mga masasamang tao na gumawa ng bilyon-bilyon na bitcoin. Ilang oras lang ang nakalipas na inupgrade ang Bitcoin protocol para ayusin iyung kahinaan na ito. Iyun lang ang nakitang maluhang kapintasang seguridad sa kasaysayan ng Bitcoin.

Ang unang transaksyon na pangkalakal ng Bitcoin ay nangyari noong ika-22 ng Mayo, 2010. Si Laszlo Hanyecz, isang programmer na taga-Florida, ay nagbayad ng 10,000 bitcoin para sa dalawang (2) Pizza sa Papa John’s. Ngayon, ang ika-22 ng Mayo ay isang “Bitcoin” holiday na tinawag na “Bitcoin Pizza Day”.

Galing sa hindi karaniwang ideya ni Satoshi Nakamoto hanggang sa isang pang araw-araw na gawain na pagbili ng Pizza, ang kasaysayan ng Bitcoin ay talagang sulit na pag-usapan.

Kapanapanabik, ‘di ba? Tara na at magpatuloy tayo sa susunod na paksa.

IBAHAGI