Tagalog module on
Bitcoin
Powered by likha

Ano ang Bitcoin?

Key Takeaways
  • Ang Bitcoin ay isang peer-to-peer at desentralisadong cryptocurrency na napapadala kahit saan at kahit kanino na walang tagapagmagitan na kailangan. 
  • Peer-to-peer - isang network na iyung mga kompyuter ay naglalaan ng bahagi ng kanilang processing power para asikasuhin ang komunikasyon sa network, na hindi na kailangan ng sentral na server.
  • Desentralisado - ang hindi pangangailangan ng isang nilalang na sentral na awtoridad, organisasyon, o ibang nilalang para gumana.
  • Cryptocurrency: Isang uri ng pera na protektado ng cryptography, na halos imposible na i-peke o i-hack.
  • Ang Bitcoin ay mabisa, inklusibo, at protektado. Lahat ito ay nagiging posible dahil sa blockchain, ang teknolohiya sa likod nito.

Ang Bitcoin ay dinesenyo para makaimpok, makatanggap, at makapagpadala ng pera papuntang kahit na kanino sa mundo na walang kailangan na banko o anumang kumpanya.

Bago dumating ang Bitcoin, kailangan ng mga tagapamagitan kagaya ng BDO, Cebuana Lhuillier o Western Union dahil sila ay responsable na kumpirmahin ang pera na napadala o natanggap.

Ano ngayon iyung problema? Pinapahirapan pa lalo ng mga banko at mga kumpanya ng proseso na hindi naman kailangan. Kung kailan kayo magpapadala ng pera sa probinsya or sa ibang bansa, kadalasang merong mataas na bayarin, matagal na paghihintay, at pangangailangang magpakita ng napakaraming dokumentasyon, o humarap ng mga problemang logistik kagaya ng pag-offline ng mga ATM.

Ang Bitcoin ay isang network kung saan mapapamahalaan ang pera niyo na hindi kailangan ng mga banko, korporasyon, o gobyerno para gumana. Ito ay isang trustless network na gumagana ng mag-isa. At ang pinakamaganda dito, ang kailangan mo lang ay telepono at internet.

Ngayon, tingnan natin ang mas pormal na kahulugan ng Bitcoin.

Bitcoin

Ang Bitcoin ay isang peer-to-peer, decentralized cryptocurrency na nagbibigay kakayahan sa mga tao na magpadala ng pera sa isa't isa na hindi kailangan ng mga tagapamagitan. 

Oo, alam namin… Ang kahulugang ito ay mahirap maintindihan at medyo nakakasindak. Ihiwahiwalay natin iyung mga salita para mas lalo nating maintindihan kung ano ang Bitcoin.

Peer-to-peer (P2P)

Ang peer-to-peer ay tumutukoy sa isang network kung saan na iba’t ibang kompyuter ay nagsisilbing parehong client at server, na hindi na kailangan ng isang sentral na partido para makapag-usap sila.

Isipan niyo na sa isang network ay may mga kompyuter na A hanggang H. Meron kayong isang sentral na server sa gitna at iyung ibang kompyuter ay nakapaligid dito. Ang sentral na server ay responsable sa pagsasagawa ng komunikasyon at nagpoproseso ng mga nangyayari sa lahat ng mga kompyuter.

Sabihin natin na iyung Kompyuter A ay gustong mangumusta sa Kompyuter F. Para mangyari yun, iyung mensahe ng Kompyuter A ay kailangang dumaan sa sentral na server para makarating sa kompyuter F. Pag natapos ito, kumpleto na ang komunikasyon.

Ngayon, ito ay ibang-iba sa peer-to-peer network. Balikan natin iyung halimbawa sa taas, pero ngayon, alisin natin iyung sentral na server.

Ito ang magiging itsura nito:

Sa peer-to-peer network, lahat ng kompyuter ay nagtutulungan sa pagiging server katulad dun sa orihinal na halimbawa.

Sabihin natin ulit na iyung Kompyuter A ay gusto mangumusta sa Kompyuter F. Sa halip na pupunta iyung mensahe sa sentral na server, lahat ng kompyuter sa network ay magtutulungan para maipadala iyung mensahe kay kompyuter F.

Ang isang sikat na halimbawa ng peer-to-peer network ay iyung pag-torrent. Alam niyo ba iyung PirateBay,YTS o Torrentz2? Ang isang peer-to-peer network ay merong ding maraming benepisyo kagaya ng mas mababang gastos, bisa, seguridad, at pagpapalawig. Ang galing, di ba?

Desentralisado

Ang pagiging desentralisado ay tumutukoy sa hindi pangangailan ng isang nilalang na sentral na awtoridad o organisasyon para gumana.

Dahil desentralisado ang Bitcoin, kahit na sino, kahit na saan man sa mundo ay pwedeng makibahagi sa Bitcoin network. Lahat ng tao, kahit na anong kasarian, kahit na anong lahi, at kahit na anong relihiyon ay pwedeng lumahok. Walang mga nakabantay na pinagbabawalan ang mga gustong pumasok. Ang kailangan niyo lang ay isang device at koneksyon sa Internet.

Ang pagiging desentralisado ay kabaliktaran sa mga tradisyunal na kumpanyang pinansyal kagaya ng BDO, BPI, o Metrobank. Sa mga kasong ganito, iisa lang ang awtoridad na namamahala ng lahat ng mga transaksyon na nangyayari sa network nila.

Ang pagiging desentralisado ng Bitcoin ay binabawasan din ang panganib na may nag-iisang punto ng kabiguan. Ang Bitcoin network ay sinusuporta ng mga kompyuter na nakakalat sa buong mundo - mula sa United States hanggang sa Russia, China, at Germany.

Kung 10% man na Bitcoin network ay pumalya kung sa anumang dahilan, gagana pa rin ito. 

Kung 25% man na Bitcoin network ay pumalya, gagana pa rin ito. 

Kung 40% man na Bitcoin network ay pumalya kung sa anumang dahilan, gagana pa rin ito.

Kung 50%... nakuha niyo na iyung ideya.

Cryptocurrency

Para alalahanin, ang cryptocurrency ay isang uri ng digital na pera na protektado ng cryptography, na ginawa itong halos imposible i-peke o i-hack.

Ang cryptography ay tumutukoy sa mga paraan para protektahan ang komunikasyon na may mga paligid-ligid na mga masasamang tao.

Sa madaling salita, ang cryptography ay paraan ng pagtago ng impormasyon. Marami pa kayong mababasa dito.

Sana ngayon, ay hindi na ganung nakakasindak intindihin ang Bitcoin.

Uulitin ko na ay Bitcoin ay isang peer-to-peer na desentralisadong cryptocurrency.

Ang Bitcoin ay mabisa. Wala ng kailangan na mahal na bayarin, mahabang paghihintay, o hindi kailangan na dokumentasyon. Ikaw ay ang sarili mong banko.

Ang Bitcoin ay inklusibo. Ito ay pera na nagagamit ng kahit na sino, kahit na saan, at kahit na kailan.
Lagi siyang pwedeng magamit, magastos o maipadala na walang kahirap-hirap.

Ang Bitcoin ay protektado. Wala itong nag-iisang punto ng kabiguan. Kailangang patayin ang buong Internet kung may gustong sirain yung Bitcoin.

Ang Bitcoin ay mabisa din kung ikumpara sa ibang uri ng pera. Tingnan ninyo ang tsart sa ibaba:

i-scroll pakaliwa upang makita ang buong table

Baka naman nagtataka kayo kung paano ito nagiging posible lahat? Ito ay dahil sa isang teknolohiya na tinatawag na blockchain. Sabay-sabay natin titingnan natin ito ng mas mabuti sa susunod na yugto.

IBAHAGI