Ang blockchain ay isang digital ledger na nag-iimbak ng mga transaction sa mga nangyayari sa Bitcoin network. Ang isang ledger ay libro o koleksyon ng mga pinansyal na data.
Iyung mga papel kung saan niyo sinusulat iyung mga gastusin ninyo ay isang ledger.
Iyung excel file kung saan niyo pinapasok iyung mga natitipid ninyo ay isang ledger.
Kahit na iyung mga transaksyon na sinusulat niyo sa isang napkin ay pwedeng ituring na isang ledger.
Kaya ano ang nagpapaiba sa blockchain? Ang katotohanan ay dito, ang mga transaksyon ay nakaimbak na parang mga bloke at protektado ng cryptography. Pwede ulit suriin ang cryptography dito.
Pwedeing isipan na ang blockchain ay isang kadena o “chain” kung saan sunod-sunod na itinatali lahat ng transaksyon. Ang blockchain ay hindi nababago, desentralisado, ipinamahagi, protektado, at ganap na mapapatunayan.
Simulan natin sa isang simpleng halimbawa.
Isipin natin ang limang tao na may sari-sariling kwaderno. Ipangalan natin sila na Pedro, Darna, Julia, Jerome, at Ryan. Hindi sila magkakilala, kaya wala silang tiwala sa isa’t isa.
Si Pedro ay gustong magpadala ng dalawang bitcoin kay Darna, para mangyari yun, dapat magkasundo silang lima na iyung transaksyon ay wasto.
May isang lotto draw na nangyayari kung saan isa sa kanila ay pipiliin para tingnan kung iyung transaction ay tama.
Sa halimbawang ito, sabihin natin na si Julia iyung napili sa lotto draw.
Ngayon, dapat suriin ni Julia kung tama nga iyung transaksyon ni Pedro. Sa panahon na nagawa niya ito, dapat magpakita ng pruweba si Julia sa kanilang lahat na natapos niya iyung pagsuri.
Iyung natitirang apat ay kailangang sumang-ayon sa pruweba ni Julia. Kung nakita nila na nagkamali si Julia, uulitin iyung lotto at pipili ng ibang manunuri.
Pero, kung lahat sila ay sumang-ayon, yung lima ay kailangang isulat iyung transaksyon ni Pedro at iyung pruweba ni Julia sa kanilang mga kwaderno.
Parang ganito gumagana ang Bitcoin. Lahat ng user ay may pare-parehong kopya ng blockchain, na iyung mga kwaderno sa halimbawa. Sa kwadernong ito, lahat ng transaksyon sa network ay nakaimbak at tuloy-tuloy na pinaghahambing sa lahat ng iba para siguraduhin ang integridad sa network. Nangyayari ito ng paulit-ulit, araw araw para panatilihing buhay at protektado ang Bitcoin network
Ang desentralisadong paglipat paglipat ng pera sa pamamagitan ng Internet ay hindi naging posible sa kasaysayan ng tao hanggang nagkaroon ng Bitcoin.
Siyempre, ito lamang ay isang pinasimpleng bersyon kung paano gumagana iyung blockchain ng bitcoin. Kaya, siyasatin natin ng mas mabuti kung paano nangyayari ang lahat, simula doon sa limang tao sa halimbawa.
Ang Bitcoin miner ay isang kompyuter na nagpapatakbo ng Bitcoin client para itala at tumulong magpatunay ng mga transaction na nagaganap sa blockchain. Pwedeng isipin na sila iyung mga tagapagsuri ng network – na naniniguradong lahat ng transaksyon ay tama bago ipagpatuloy sila.
Ang “miner” ay maaaring tumutukoy sa kompyuter na kung saan tumatakbo iyung Bitcoin client o iyung mga taong namamahala nito.
Ang pagmina ng Bitcoin ay walang kinikilalang lokasyon, kaya kahit na sino, kahit na saan ay pwedeng lumahok na bilang “miner” – ikaw, iyung kapitbahay mo, iyung tindera sa sari-sari store sa labas ng bahay mo ngayon. Kahit na sino ay pwedeng maging miner. Ang Bitcoin ay bukas sa lahat.
Sa ngayon, may libo-libong mga Bitcoin miner na nakakalat sa buong mundo. Sa pagsulat nito, mas maraming miners ay nasa United States, Russia, Germany, at China.
Gawin nating mas detalyado iyung halimbawa. Naaalala niyo si Pedro? Ginusto niya ulit padalhan ng dalawang bitcoin si Darna.
Step 1: Pinindot ang “send” ni Pedro gamit ang kanyang Bitcoin wallet.
Step 2: Pag nasuri na ito ng network, iyung impormasyon tungkol sa transaksyon ay ipinadala sa mempool. Dito napupunta ang mga transaksiyon na nakabitin o “pending” pa.
Step 3: Lahat ng miner sa buong mundo ay nagsusuri ng mga transaksyon sa isang tiyak na bilis sa isang paraan na tinatawag na hashing. Ang paraan ng hashing ay parang lotto, pero pag uusapan natin yan maya’t maya.
Step 4: Pag binigyan na ng mga miner ng OK signal iyung mga transaksyon ni Pedro at ng ibang tao, ipinagsasama-sama sila sa isang bloke.
Step 5: Pagkatapos na ipagsama-sama sila, ang bloke ay idinadagdag sa taas ng mga dating bloke kung saan nakasalin iyung mga nakalipas na mga transaksyon, na bumubuo ng chain. Itong mga bloke ay nakaugnay gamit ang matematika para siguradong protektado sila.
Step 6: Matatanggap ni Darna iyung dalawang (2) bitcoin na pinadala ni Pedro.
Step 7: Iyung miner na unang nagsuri ng transaksyon ay makakatanggap ng bitcoin bilang kabayaran. Ito ay tinatawag na block reward
Ang buong proceso na ito ay base sa “Proof-Of-Work” o mekanismong kasunduan ng PoW. Ang PoW ay isang mekanismong kasunduan kung saan inilalarawan ang computational power at ang kuryente na kailangan ng miner para isuri iyung mga transaksyon sa Step 3. Pag-uusapan natin ang PoW sa isang susunod na yugto.
Dito natin makikita kung paano nakalipat ng pera si Pedro at si Darna na hindi kinailangan ng ibang tao. Wala ng middlemen, mahal na bayarin, mahabang paghihintay, o problemang logistic.
Bukod sa mga ito, ano pa ba ang mga benepisyo ng blockchain?
1. Walang naitatago: Lahat ng mga transaksyon na nangyayari sa network ay makikita ng lahat. Kailangan niyo lang ay tingnan ang mga ito online.
2. Hindi nababago: Ang mga transaksyong nangyayari sa network ay nakatala na parang bloke at protektado ng cryptography. Ginagawa nitong imposible manipulahin, pakialaman, o i-hack iyung network.
3. Mabisa : Ang blockchain ay nagpapadali ng mga transaction na mas mabisa habang napapanatili ang pagkadesentralisado niya, sa halip ng dating paraan na pagpadala ng pera na madaling kapitan ng pagkakamali ng tao, legal na hadlang o pakikialam.
4. Desentralisado: Ang blockchain ay walang ni-isang sentral na awtoridad o nilalang. Walang itong iisang punto ng kabiguan.
Ang buong proseso ay nangyayari tuloy-tuloy sa Bitcoin network araw-araw. Noong 2021, ang Bitcoin ay responsable sa pakikipag-transaksyon ng bilyones na dolyar at pagkonekta ng iba’t ibang tao sa buong mundo.
Ngayon, oras na pag usapan ang hashing – ang cryptography na responsable sa bisa at pagkaprotektado ng Bitcoin!