Kahit na 'yung mga NFT ay bago pa lang sumikat, ang ganitong klaseng teknolohiya ay matagal nang nasa paligid natin. Sa lahat ng paglaganap ng mga NFT, mahirap paniwalaan 'yung pagiging baguhan ng espasyo. Tingnan natin ang mga pangyayari noong nagsimula ang lahat.
Bago linikha ang Ethereum, ang konsepto ng mga NFT ay nagsimula sa isang research paper na sinulat ni Meni Rosenfield na pinamagatang “Coloured Coins”. Ito ay dating pinakilala sa ilalim ng blockchain ng Bitcoin.
Pero sa panahong yun, 'yung blockchain ng Bitcoin ay hindi talaga dinesenyo para kumatawan ng pag-aari ng mga totoong asset sa anyo ng mga token, kaya 'yung konsepto ng mga ”Coloured Coins” ay hindi lumaganap. Pero, ito ay ang naging pundasyon ng mga susunod na mga pagbabago sa NFT.
Noong ika-3 ng Mayo, 2014, Si Kevin McCoy, isang tanyag na malikhaing taga-disenyo, ay naghulma ng unang NFT na nakilala bilang “Quantum” sa blockchain ng Namecoin. Ang nakalarawan sa NFT ay isang imahe ng isang pixeladong octagon na nagbabago ang mga kulay at pumipintig, na parang octopus.
Ang pangyayaring ito ay ang nagsimula ng mga mga makabuluhang pag-unlad sa industriya na may mga platform kagaya ng “The Counterparty” ang itinatag na siyang tumulong sa mga naglilikha ng mga digital asset, kasama ang Spells of Genesis, na siyang nagsimula na gumawa/magbigay ng mga asset sa loob ng laro.
At saka, 'yung Pepe The Frog - isa sa mga pinakalumang meme sa internet - ay nagbigay inspirasyon sa isang koleksyon ng crypto art na tinawag na RarePepe. Kasama sa koleksyon na ito ang isang NFT na pinangalang “Pepenopolous” nabenta sa napakalaking halaga na 3.6 milyon na dolyar sa auction ng Sotheby’s. Ito ang nag-udyok pa lalo ng paglaki ng mga komunidad ng NFT sa industiya.
Patuloy tayo sa 2017, kung saan ang mga bagong batayan ng mga token kagaya ng ERC-721 para sa blockchain ng Ethereum ay nakatulong sa ekosistema na lumikha ng mga bagong modelo ng halaga at interaksyon sa pagitan ng mga komunidad.
Kasunod ng tagumpay ng RarePepe at ang makabuluhang paglipat ng mga NFT sa blockchain ng Ethereum - may dalawang software developer, si John Watkinson at si Matt Hall, na naglabas ng isang proyektong eksperimental noong Hunyo ng 2017 na nakapangalang “Crypto Punks”. Ang mga NFT sa proyektong ito ay binigay ng libre sa mga 9,000 na gumagamit ng Ethereum na wallet, na ‘yung natitirang 1,000 ay napunta sa pangkat ni Watkinson at ni Hall.
Ngayon, ‘yung koleksyon ng Crypto Punks ay isa sa mga pinakamahalaga at pinakamabuluhan sa mga koleksyon ng NFT ngayon.
Makalipas ng ilang buwan, Decentraland, isang 3D na VR Platform sa browser, ay nilabas kung saan makakapasyal, makakalaro, makakalikha, at makakakolekta ng mga bagay-bagay sa blockchain ng Ethereum at nakakabili pa ng mga birtwal na lote ng lupa bilang mga NFT na gamit ang MANA na cryptocurrency.
Noon Oktubre ng 2017, habang nangyayari ang pinakamalaking hackathon para sa ekosistema ng Ethereum, ang Axiom Zen, isang venture studyo sa Vancouver, ay pinakilala ang “CryptoKitties”, ang unang larong birtwal na base sa blockchain ng Ethereum, kung saan ang mga naglalaro ay kayang kumupkop, magpalaki, at makipagpalitan ng kanilang mga birtwal na pusa gamit ang kanilang mga Ethereum wallet.
Alam niyo ba na ilang sandali pagkatapos inilunsad ang CryptoKitties, 'yung laro ang naging dahilan sa napakaraming transaksyon sa blockchain ng Ethereum at bumuo ng 25% ng buong traffic, na isang punto ay naging dahilan ng pagbagal ng network.
Pagkatapos ng isang taon, ang CryptoKitties ang nagbigay inspirasyon sa konsepto para sa “Axie Infinity” kung saan ang mga manlalaro ay nangongolekta at nagpapalaki ng mga nilalang na tinatawag ay mga ‘Axie’ na pinapangaway nila sa isa’t isa, na siyang nagpalaki at nagpauso ng mga play-to-earn (P2E) na mga laro at aplikasyon. Dahil sa larong P2E ang naging paraan na kumita ang mga manlalaro habang naaliw sa paglalaro ng isang video game.
Sa nakalipas ng ilang taon, ang atensyon ng publiko sa mga NFT ay sumabog at naging sikat ito sa mga namumuhunan at mga kolektor.
Ayon sa pagsisiyasat ng Finder.com na kasama ang 28,000 katao sa 20 na bansa, nalaman nila na ang Pilipinas ay una sa adopsyon ng NFT sa buong mundo sa 32%, sumunod ang Thailand (27%), Malaysia (24%), UAE (23%), at Vietnam (17%).
Inaasahan na ang metaverse ay lalaki pa galing sa $12 bilyon noong 2020 pataas ng $72 bilyon sa 2024. 'yung mga malalaking tech giant kagaya ng Microsoft, Epic Games, Facebook at Nvidia ay nagpo-posisyon ng kanilang mga sarili sa lumalaganap na ekosistemang ito.
Ang NBA Top Shot, isang opisyal na sports memorabilia, at ang Bored Ape Yacht Club, isang digital na koleksyon ng mga 10,000 walang katulad na mga unggoy, ang mga nangunguna na mga gateway sa adopsyon ng NFT, na nakatala na ng higit pa sa $1 bilyon na benta.
Itong paglaganap ng mga NFT ay karagdagang patunay sa pananabik na nakapalibot dito sa bagong aplikasyon ng teknolohiya ng blockchain. Kahit na sumpungin ang merkado, isa lang ang tiyak, ang mga NFT ay magpakailanman binago ng lubusan ang mga digital asset at magpapatuloy pa lalo ang mga pagbabago sa mga susunod na dekada. Sabay natin puntahan ang susunod na modyul para malaman kung anong mga problema ang nalulutas ng mga NFT!