Sa unang tingin, ang mga NFT ay parang mga walang saysay na imahe sa internet na may presyo. Pero pag lalong maintindihan ito, ang mga NFT ay nakakalutas ng isang mas malaking problema: ang pag-aari ng mga bagay.
Pagbalik-aralan natin. Ang mga NFT ay non-fungible, na ibig sabihin ay hindi ito mapapalitan o ipaghalili sa kahit na ano pang bagay. Dahil sa katangian na ito, ang NFT ay pwedeng pruweba ng pag-aari ng mga digital na bagay. Tingnan natin ang mga sumusunod na senaryo.
Senaryo A:
Si Lia ay isang ilustrador na gustong magpost ng kanyang drowing sa kanyang Instagram para mapakita ang paglago niya bilang isang artista. Pagkatapos i-post ‘yung drowing, kinopya ng isang masamang tao ang drowing ni Lia, at pinost sa ibang account, na sinabing siya daw 'yung gumawa. Kahit na alam natin na 'yung drowing ay ginawa talaga ni LIa, wala talagang paraan para patunayan ni Lia na sa kanya talaga 'yung drowing.
Senaryo B:
Si Luis ay isang photographer na nagpost ng kanyang mga larawan ng Mt. Kanlaon sa website niya. Naisip ni Luis lagyan ng mga watermark ang mga larawan niya para protektahan sila laban sa mga magnanakaw. Ang problema, nakagawa ang mga kawatan ng isang program na nag-aalis ng mga watermark sa kahit na anong imahe o larawan. Dahil dito, nakapagnakaw ‘yung masasamang tao ng mga larawan ni Luis sa website. Bukod sa watermark, halos walang paraan si Luis patunayan na kanya talaga ‘yung mga larawan.
Sa dalawang senaryo na ito, ang mga gawa ni Lia at Luis ay nalagay sa peligro dahil walang paraan mapapatunayan sa pag-aari nila doon sa mag drowing o sa mga larawan. Ang mga gawa nila ay madali lang kopyahin at pwedeng i-share ng daan-daang beses na paulit-ulit online.
Pero tingnan natin kung 'yung mga nilikha nila ay ginawang NFT. Kahit na daan-dang kopya ang umiiral, matitiyak ni Lia, ni Luis, o nino man ang orihinal na kopya, kahit na mukhang pare-pareho ang iba’t ibang mga kopya. Nalilimitahan nito ang mga masasamang tao na sabihin na sa kanila ang mga orihinal. Ito ay dahil ang mga NFT ay non-fungible at nag-iisa.
Pero, ano ang meron sa NFT na sila ay nagiging non-fungible?
Ang pagiging non-fungible ng mga NFT at nanggagaling sa code na sumasailalim sa kanila, ang lahat ng NFT ay may kasamang walang kaparehong code na hindi magagaya ng ibang NFT. Halimbawa, kung ang ‘NFT A’ ay merong code na ‘ABC123’, wala ng ibang NFT sa mundo ay pwedeng magkaroon ng parehong code na ‘ABC123’
Dahil sa pagkakaiba ng mga NFT, madadagdagan ang katangian ng pagiging non-fungible sa mga nilikha ni Lia at ni Luis kung gawin silang mga NFT at magiging walang kapareho ang mga ito. Pag-uusapan natin 'yung code sa mga susunod na modyul.
Ang mga NFT ay mga token, hindi sila digital na bagay
Mahalagang maintindihan na ang mga NFT ay hindi ang mga totoong artwork, mga biswal, or digital na bagay. - sa halip, sila ay mga identifier na nakakabit sa mga asset para mapatunayan ang pagma-mayari.
Sa Senaryo B, kung ginawang NFT ni Luis 'yung larawan niya, ang ginagawa niya talaga ay nagkakabit ng NFT sa larawan niya, na epektibong nag-uugnay sa larawan at ang NFT kahit na saan sila mapunta. Ito ang talagang nangyayari.
Ang ibig sabihin nito ay kahit kailan may bumili, magbenta, o maglipat ng larawan na NFT ni Luis, ang lumilipat ay 'yung NFT, 'yung token na kumakatawan sa pagmamay ari, hindi 'yung totoong larawan.
Sa pangkalahatan, ang mga NFT ay mas lalong nagpapalikha ng halaga sa espasyong digital. Ngayon na ang pagmamay-ari ng mga asset na digital ay mapapatunayan at masisiyat ng diretso gamit ang mga nakatala sa blockchain.
Sa susunod na modyul, sisiyasatin natin 'yung code sa likod ng NFT at kung paano gumana ang ugnayan nito sa mga digital na bagay.