Tagalog module on
NFTs
Powered by likha

Ang Nasa Loob ng NFT

Key Takeaways
  • Ang isang NFT ay pwedeng hatiin sa tatlong bahagi: ang token, ang metadata (B), at ang asset.
  • Ang mga bahagi ng isang NFT ay maaaring iimbak on-chain o sa isang off-chain na mga database.
  • May 4 na hakbang para makagawa ng isang NFT: digitizing, storing, signing at minting.

Dati natin napag-usapang kung ano ang ginagawa ng mga NFT at kung paano sila gumana. Sa modyul na ito. Sisiyasatin natin kung ano talaga ang bumubuo sa isang NFT.

Ang isang NFT ay pwedeng hatiin sa tatlong bahagi: 'yung token (A), 'yung metadata (B), at 'yung asset na kinakatawan (C) 

(A)O  +  (B)O  +  (C)O

Ang Part A ay ang cryptographic token, na mayroong link na tinatawag na Uniform Resource Identifier (URI) na patungo sa Part B.

Ang Part B ay may laman na metadata na nandoon ang mga katangian nito kagaya ng pangalan ng NFT, image pointer, mga iba pang mga katangian at klasipikasyon, at paglalarawan. Meron din link ang Part B na patungo sa Part C.

Ang Part C ay isang link na panlabas kung saan nakaimbak ang imahe/asset na kinakatawan ng NFT

  • Note: ang metadata ay tumutukoy sa mga data na naglalarawan ng iba pang data. Sa kaso ng mga NFT, ito ay kadalasang nasa format ng .JSON.

Siyasatin natin ang bawat bahagi.

Part A

Ang Part A ang aktwal na non-fungible token (NFT) na walang kapareho. Ang bawat NFT ay may pointer na nasa loob na tawag ay URI, na patungo sa metadata (Part B) na naglalarawan sa isang listahan ng mga katangian ng NFT.

Ang mga katangian ng NFT ay kadalasang nabibilang sa mga bagay na nasa Part B.

Part B

  1. NFT Name - Ito ay madalas na uri ng NFT sa isang koleksyon o titulo ng isang medya. Ang mga numero ay dinadagdag para maiba sa mga NFT na may parehong pangalan. (Halimbawa: CryptoPunk #7523, CryptoPunk #5731).
  2. Image Pointer - Isang URI o link na tinuturi kung saan nakimbak 'yung totoong imahe ng NFT, tulad ng isang distributed storage system(kagaya ng InterPlanetary File System o IPFS).
  3. Mga Katangian at Klasipikasyon

Ang mga katangian ng NFT ang nagpapaiba dito sa mga kagaya nito. Kulay, damit, mga pattern, mga numero, mga background, at mga abilidad ang mga nasasama sa mga katandian. Madalas na makikita ito sa mga proyektong merong kakaibang sining.

NFT Description - Isipin ito bilang paliwanag na may impormasyon tungkol sa NFT. Madalas itong nakikita sa ilalim ng NFT sa mga marketplace at mga platform.

Kung nalilito pa rin kayo kung ano ang metadata, baka makatulong ito. Ang metadata ng isang NFT ay inilalarawan ang lahat tungkol sa kanya. Kagaya nitong halimbawa ng isang NFT ng isang concert ticket. Maaaring may laman itong artista, upuan at 'yung klase ng ticket.

{

"name": "Justin Bieber Live in Manila (VIP)",

"description": "Justin Bieber is bringing his Justice World Tour to the CCP Open Grounds on October 29, 2022",

"image": "https://ipfs.io/ipfs/QPVsp5Uq8CuA7GPofJFpsRQo2iU1csdJVEJU7SoveUAmzp",

"attributes": [

{

"trait_type": "type",

"value": "VIP"

},

{

"trait_type": "seat",

"value": "0011"

}

],

"external_url": "https://justinbiebertickets.com/1234"

}

Isang struktura ng NFT metadata na sa halimbawa ng concert ticket.

Part C

Ang bahaging ito ay kung saan nakaimbak 'yung biswal o 'yung asset. 'yung Part C ay pwedeng kasing simple ng isang link sa Google Drive o mas komplikado kagaya ng IPFS o InterPlanetary File System

Side Note: Hindi lahat ng mga NFT ay pare-pareho ang paglikha. Ang struktura ng mga bahagi nito ay naiiba sa ibang mga klase ng mga NFT. Binalangkas namin ang isang pangunahing estruktura ng mga karaniwang mga NFT na ginagamit sa blockchain ng Ethereum.

Saan nakaimbak ang mga bahagi ng NFT

Ngayon, baka nagtataka kayo: Saan nakaimbak ang mga bahaging ito? Ang Part A, 'yung cryptographic token, ay nakaimbak sa blockchain, na walang naitatago, hindi nagbabago, mabisa, at desentralisado.

Ang Part B at C ay maaaring iimbak on-chain, na ibig sabihin ay nasa loob ng blockchain, o off-chain, na ibig sabihin ay nasa labas ng blockchain. Madalas na hindi ginagawang on-chain ang mga Part B & C dahil sa limitadong memory ng blockchain, na ginagawang masyadong mahal ang pag imbak ng malaking data kagaya ng metadata o 'yung mga biswal/asset.

Ang off-chain na pag-imbak ng mga Part B & C ay pwedeng sumaklaw galing sa isang sistemang distributed storage kagaya ng IPFS o isang simpleng Google Drive. Ang pagka alam kung saan nakaimbak na off-chain ang mga Part B & C ng inyong NFT ay mahalagang maunawaan dahil sa mga implikasyon sa integridad ng inyong NFT. Paguusapan pa natin ito sa modyul na “Ang mga limitasyon ng mga NFT”

Noong Maro 2021, ang isang tanyag na artista na si Beeple ay nakabenta ng isang niyang artwork na pinamagatang EVERYDAYS: THE FIRST 5000 DAYS sa Christie’s na may napakalaking presyong $69 milyon. Mahahanap ang kanyang tokenID sa website ng auction house, na kung hanapin sa blockchain explorer, ay maglalabas ng IPFS URL na naglalaman ng metafile.json o metadata. Naglalaman din ito ng isang URL na nagtuturo sa aktwal na imahe ng NFT artwork. Ang cool, no?

Ang Proseso ng Paglikha ng NFT

Ang proseso ng paglikha ng isang NFT ay maaaring ihiwalay sa apat na simpleng hakbang. Pero, bago pa natin pag usapan kung paano ginagawa ang isang NFT, kailangan muna maintindihan kung ano ang smart contract, 'yung program na ginagawang posible ang lahat ng ito.

Smart Contracts

Ang mga Smart Contract ay ang mga “if-and-then” na mga pahayag sa blockchain. Ito ay mga programa at code na kusang tumatakbo kung may mga natugunan na mga paunang natukoy na kondisyon. Ang halimbawa ng isang smart contract ay isang program na nagpapadala ng 0.05 BTC sa isang wallet ng 11:15 AM araw-araw. Sisiyasatin pa natin ang paksa ng smart contracts sa ibang kurso, pero sa ngayon, ito lang ang kailangan ninyo malaman.

Ngayon na alam na natin kung ano ang smart contact, pag-usapan na natin 'yung apat na hakbang na paglikha ng isang NFT.

  1. Digitizing - Si Pedro ay gumawa ng titulo, metadata, at paglalarawan ng NFT at binago niya ang data sa mga tamang format (.JSON, PNG, GIF, atbp).
  2. Storing - Pagkatapos ay iniimbak niya ‘yung data sa isang panlabas (off-chain) na database o sa loob ng blockchain.
  3. Signing- Kapag naimbak na 'yung data, nilagdaan ni Pedro ‘yung transaksyon na pinapadala ’yung metadata ng NFT para makipag-ugnayan sa isang smart contract na base sa blockchain.
  4. Minting - Pagkatapos magawa ‘yung tungkulin ng smart contract, mahuhulma na ni Pedro ang kanyang artwork bilang isang NFT at mabebenta na niya ito sa ibang tao.

Ngayon na alam niyo kung ano sa mga NFT ang nagpapaiba at kung paano gumagana ang mga ito, tingnan naman natin ang kanilang iba’t ibang katangian.

IBAHAGI