Tagalog module on
NFTs
Powered by likha

Ang mga Katangian ng mga NFT

Key Takeaways
  • Ang isang mga katangian ng NFT ay pagka-walang katulad, hindi nahahati-hati, pagkatunay, madadala kahit na saan, at napo-program.
  • Kung gusto mong ilipat (ang pag-aari) ng isang NFT, kailangan ilipat ang buong token.
  • Ang mga NFT ay madaling mapatunayan sa pamamagitan ng provenans na nasa loob ng maga NFT.
  • Ang mga NFT at napopoprogram kagaya ng mga software, kaya pwede sila lagyan ng mga kakayahan, mababago ang kanilang itsura o makipag-ugnayan sa iba’t ibang aplikasyon na desentralisado (dApps).

Naalala niyo ba si Lia at si Luis sa ating mga nakaraan na modyul? Sabihin natin na ginawang nilang mga NFT ang mga nilikha nila para itatag ang pag-aari nila - ang susunod na tanong ay, “Ano pa ba ang ibang katangian na meron ang mga NFT kaysa sa pagiging non-fungible?”

Marami! Kasama na dito, pero hindi limitado sa pagka-walang katulad, hindi nahahati, provenans, nadadala kahit na saan, at napo-program.

Pagka-Walang Katulad

Sa kadalasan, ang pagka-orihinal ng isang digital na asset ay mahirap mapasya online, dahil napakadali mag copy-paste ng mga artwork, mga larawan, mga kasulatan, atbp. Napipigilan ang mga artista, mga gumagawa ng content, at mga negosyo na samantalahin ng husto ang espasyong digital. Dito pumapasok ang mga NFT.

Hindi kagaya ng mga fungible na asset, ang mga NFT ay nag-iisa lamang. Kung gawing NFT ang isang artwork ng isang artista, ang blockchain ay nakakasigurado sa pagkaorihinal ng artwork. Kahit na ilang beses kopyahin ‘yung artwork sa iba’t ibang online na plataporma, ang pagak-orihinal ng artwork ay isinaloob sa NFT na nilikha ng totoong artista.

Halimbawa, ‘yung Bored Ape #7990 na galing sa Bored Ape Yacht Club (BAYC). Ang artwork na ito ay madali lang i-copy-paste sa online. Pero, kahit na ilang mga kopya ang umiiral, ang orihinal na bersyon ay palaging matutukoy sa metadata ng NFT. Kahit na may impostor na gumawa ng mga NFT sa mga biswal na kopya, makikita pa rin kung anong mga NFT ang orihinal sa pamamagitan ng code at 'yung pinanggalingan nito, na ang susunod na katangian na pag-uusapan natin.

Hindi Nahahati

Kung gusto niyo maglipat ng isang NFT, dapat ilipat ang buong token. Hindi posibleng ihati-hati ang inyong NFT sa mga maliliit na bahagi, kagaya ng hindi naman pwedeng hiwain ang isang lumang relos sa dalawa at asahan na ganun pa rin ang halaga nito. Kahit na ibig sabihin nito na ang mga NFT ay hindi likido, sabay nitong dinidiin ang pagmamay-ari ng asset para 'yung susunod na may-ari ay nakakasigurado na 'yung NFT ay mapapatunayan at buo pa bago bilhin ang asset.

Pagiging Tunay

Ang mga NFT ay madali lang mapatunayan sa pamamagitan ng provenans sa pinanggalingan na makukuha sa mga NFT. Ang provenans ay isang talaan ng kasaysayan ng pagmamay-ari ng isang bagay. Sa nakaraan, halos hindi posible ang pagsiyasat ng pinaggalingan o pagberipika na katunayan ng mga digital na bagay kagaya ng mga artwork o mga larawan. Lahat ito ay nagbago dahil sa mga NFT.

Dahil ang mga NFT ay base sa isang blockchain, kahit na sino ay kaya nang sundan ang kasaysayan ng paggalaw ng NFT kahit na saan ito pumunta. Para maibalik-aral, ang blockchain ay talaan na makikita nang kahit na sino sa mundo. Ang pangunahing paraan para surrin ang kasaysayan ng paggalaw ng isang NFT ay sa pamamagitan ng mga blockchain scanner kagaya ng Etherscan, Polygonscan, o Solscan.

Balikan natin ang halimbawa ng Bored Ape kanina -  malalaman natin kung sino ang may ari sa pamamagitan ng pagpunta sa website ng Opensea at suriin 'yung wallet pagkatapos ng “Owned By”. Kapag ginawa natin ito, makikita natin na 'yung wallet ay nakapangalan na ‘SC30’ na alam natin na NFT wallet ni Stephen Curry!

Pagdating naman sa sining na tradisyunal, kadalasan ay mahal ang pagsusuri ng isang katunayan ng isang artwork. Sa NFT, ang mga kolektor ay madaling makakatiyak ng pagka-orihinal ng isang artwork sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga nakaraang pagmamay-ari. Nakakadagdag din ito ng halaga sa isang bagay depende sa mga dating may-ari. Isipin natin na si Manny Pacquiao ay may-ari ng isang NFT. Dahil si Manny 'yung may-ari ay kaagad-agad na magiging mas lalong kanais-nais 'yung NFT. 

Dalawa ang nangyayari dahil base ang mga NFT sa blockchain, nasusuri ang katunayan at nadadagdagan pa ng halaga.

Nadadala kahit saan

Ang mga NFT ay nadadala/nagagamit kahit na saan at madali lang ma-access. Kagaya ng mga cryptocurrency, ang mga NFT ay pwedeng maimbak sa isang digital wallet, na kayang dalhin kahit na saan at pwede pa ring ma-access sa mga aparato kagaya ng selpon o kompyuter. Ito ay isang pangunahing kalamangan kung ikumpara sa mga asset na tradisyunal at pisikal na kailangan pang dalhin, imbakin, o ihatid.

Halimbawa, kung ipadala niyo ang isang artwork na pisikal sa bagong may-ari sa ibang bansa, kailangan pa itong ipadala sa eroplano o sa barko, na delikado dahil baka mag-krash 'yung eroplano o magasgas pa ito sa bodega. Ang mga NFT naman ay pwedeng ilipat sa isang click, na hindi na kailangan ng mga logistik para pangalagaan ang pisikal na bagay.

Napo-program

Napo-program ang mga NFT kagaya ng mga software, na ibig sabihin ay pwedeng lagyan sila ng mga abilidad kagaya ng ayusin ang kanilang mga hitsura, o makipag-ugnayan sa mga iba’t ibang aplikasyon na desentralisado (dApps)!

Isang halimbawa kung paano napo-program ang mga NFT ay ang pagbibigay ng porsyento ng pagbebenta ng NFT sa orihinal na lumikha habang buhay. Itong makabagong paraan para kumita ang mga artista ay nagsilbing malaking ginhawa para sa mga digital creators na gustong kumita sa mga gawa nila.

Side note: Habang ang mga NFT ay hindi nagbabago, pwede rin naman silang gawing nababago para pwede siyang ma-program depende sa mga developer.

Sa pagsulat nito, kahit na ang mga NFT ay madalas gamitin sa mga digital na artwork, kayang magbago ang mga NFT sa mga panahong darating dahil napo-program sila, na limitado lang sa imahinasyon ng mga developer. Kasama nito, ang mga use-case ng mga NFT ay maaaring pang sumakop sa labas ng digital art, na may potensyal talakayin ang ibang mga industriya, na ipapaliwanag namin sa susunod na modyul.

IBAHAGI