Tagalog module on
Bitcoin
Powered by likha

Introduksyon sa Bitcoin

Key Takeaways

Lahat ng bagay ay nagiging digital na ngayon – ang pakikipag-usap hanggang sa pag-stream, sa pag-aaral, sa pagbabasa, sa pamimili, sa paglalaro, at marami pang iba. Hindi nakakasorpresa na pati pera ay nakakahabol na rin.

At hindi lang GCash, Paymaya o mga banko kagaya ng UnionBank o Tonik - ang tinutukoy ko ay ang mga tinatawag na “cryptocurrency”

Pustahan tayong nakikita niyo na itong salitang ito sa internet – Maraming nagsasabing “to the moon” o pagbanggit ng bagong sikat na “coin” na nakapangalan sa aso sa mga comments sa social media.

Kung ganoon, ano ito? Anong pinag-uusapan nila? Huwag mabahala, kaibigan,  dahil naguguluhan din ako dati tungkol sa mga cryptocurrency.

Bago ang lahat, dapat siguro magpakilala muna ako. Ako ay si Bitbit. Ako at iyung mga kasama ko sa Bitskwela ang mga tutulong sa inyo sa pag-unawa sa mundo ng mga cryptocurrency.

Ang pagbibigay pansin muna natin ngayon ay ang Bitcoin – ang cryptocurrency na nagsimula ng lahat!

Kapanapanabik ang bitcoin kasi may potensyal itong baguhin ang ating mundo. Pagbayad ng Meralco, pagpadala ng pera sa ibang bansa, o kahit na pagbili ng kape sa malapit na 7-11 ay hindi na magiging pareho.

Hindi kagaya ng fiat money, ang Bitcoin ay hindi kayang i-hack, i-fake, mabasag, o magamit ng isang gobyerno or organisasyon sa kanilang pansariling interes.

Ang Bitcoin ay makakatulong din magsulong financial inclusion, labanan ang inflation, at bigyan insentibo ang renewable energy. Walang limitasyon ang mga posibilidad!

Kung gusto niyo pang matuto kung ano ang Bitcoin at kung paano ito gumagana, nasa tamang lugar ka. Dito lang kayo at pangako ko, hindi ako magiging masyadong teknikal.

IBAHAGI