Tagalog module on
Investing
Powered by likha

Fundamental Analysis vs. Technical Analysis sa mga Cryptocurrency

Key Takeaways
  • Ang Fundamental Analysis ay nagpapalagay na ang fundamental data ng isang stock ay ipinapakita ang totoong halaga ng kompanya - “intrinsic value” ang tinatawag ng iba dito.
  • Ang Technical Analysis ay nakapokus sa galaw at takbo ng presyo sa halip ng mga pinansyal o socio-economic na mga factor.
  • Iba’t iba ang pagbigay ng halaga sa mga cryptocurrency ng mga investor na ginagamit ang Fudamental o Technical Analsysis o kumbinasyon nilang dalawa.

Sa mundo ng pag-invest, may dalawang paraan na pagsusuri ng mga aseto na may presyo: technical analysis at fundamental analysis. Ginagamit ng mga trader at mga investor itong dalawang disiplina para mahulaan ang sa maikli, katamtaman at mahabang terminong mga presyo nito.

Fundamental Analysis

Sa mundo ng mga stocks, ginagamit ang fundamental analysis para suriin sila sa panlabas at panloob na dahilan kagaya ng ekonomiya, ang pinansyal na kalusugan ng kumpanya, ang pulitiko at mga regulasyon, at ang presyo ng mga bilihin. Ang mahalaga dito, ipinapalagay ng fundamental analysis na ang fundamental data ng isang stock ay ipinapakita ang totoong halaga ng isang kumpanya - na tinatawag na “intrinsic value”.

Gayunpaman, iba ang kaso sa mga cryptocurrency dahil wala silang mga report na pinansyal at mga data para matulungan ang mga manunuri makuha ang kanyang intrinsic value. Ang mga investor ay tinitignan ang sumusunod na data para sa fundamental analysis ng mga cryptocurrency.

1. On-Chain Metrics

Dahil ang mga cryptocurrency ay ibinuo sa ibabaw ng mga public blockchain, ang data ng mga transaksyon na kaugnay ng isang cryptocurrency ay makikita ng lahat 24/7 na real-time. Kasama dito ang data na nagpapakita ng paggalaw, paglipat, edad ng mga coin, at kung ilan ang may hawak ng mga coin na ito.

Binibigyan ng on-chain metrics ang mga investor ng isang makabagong paraan para gamitin ang fundamental analysis sa mga cryptocurrency. Ang isang simpleng halimbawa ng isang on-chain metric ay ang Number of Addresses Metric. Ipinapakita nito kung ilang mga wallet sa bitcoin blockchain ay kasalukuyang may laman na bitcoin. Kung mas mataas ang linya, mas maraming may hawak ng bitcoin.

Malawak ang mundo ng on-chain metrics at maaring sumakop sa simpleng data hanggang sa mga komplikadong data o kumbinasyon ng dalawa. Gayunpaman mahalagang punahin na ang mga on-chain metrics ay nagbibigay lang ng data. Nasa sa iyo, ang investor, kung paano bigyang kahulugan ang mga ito at gumawa ng investment strategy base dito.

2. Metrics na Pinansyal

Ang mga cryptocurrency ay may mga halaga na nakakatulong sa mga investor mailarawan ang kanilang laki at kilos. Kadalasan, ang tatlong pangkaraniwan na metrics na pinansyal ay Market Capitalization, Trading Volume, at Circulating Supply.

  • Ang Market Capitalization ang kumakatawan sa pangkalahatang halaga ng isang cryptocurrency. Ito ay nakakalkula sa pag multiply ng supply ng cryptocurrency sa presyo nito (Supply x Presyo).
  • Ang Trading Volume ang kumakatawan kung gaano karaming

cryptocurrency ang tina-trade sa isang tiyak na panahon. Mas marami ay katumbas na mas malaki ang kilos na kaugnay ng  cryptocurrency. 

  • Ang Circulating Supply ay tumutukoy sa dami ng mga coin na magagamit sa pagtrade ng publiko. Kadalasan, ang mababang umiikot na supply ay maaaring maging dahilan sa pagtaas ng presyo dahil sa kakapusan nito.

3. Socio-Econonic Factors

Tinutukoy nito ang iba’t ibang panlabas na dahilan na nauugnay sa isang cryptocurrency. Ang pananaw sa mga dahilan na ito ay depende sa opinyon at maaaring maiba depende sa taong sumisiyasat dito. Ang mga halimbawa nito ay ang whitepaper, mga kakompetensya, at ang founding team. 

  • Ang whitepaper ay isang dokumento kung saan ipinapaliwanag ng mga kompanya kung ano ang gamit ng isang cryptocurrency at ano ang layunin nito sa mga gumagamit. Kadalasan ang nilalaman nito ay ang pangkalahatang impormasyon, paano ang use case, mga katangian, tech stack, at ano ang mga pasulong na plano.
  • Ang competition ay tumutukoy sa ibang mga cryptocurrency na may parehong use case at kagamitan sa ibang cryptocurrency. Kadalasan, ‘'yung mga investor ang magpapasya kung alin sa mga kalaban sa merkado ang mas gusto nila.
  • Ang founding team ay tumutukoy sa mga taong lumikha at nagpalaganap nung cryptocurrency sa umpisa. Napaka-importante siyasatin ang mga nagawa na ng mga taong ito sa lahat ng panahon para siguraduhin na may kakayahan sila at pwedeng pagkatiwalaan silang  magawa ng produkto.

Technical Analysis

Naiiba ang technical analysis sa fundamental analysis dahil ito ay nakapokus sa paggalaw at takbo ng presyo halip sa pagtingin sa mga dahilan na pinansyal o socio-economic. Ang technical analysis ay isang disiplina na ginagamit ng ibang mga investor para mabigyan ng halaga base sa kanyang tsart, sa tulong ng ibang mga indicator at candlesticks. Ang mahalaga dito, ang technical analysis ay nagpapalagay na ang mga fundamental, o intrinsic value, ng isang asset ay nakapasok sa kanyang market value. Ang disiplinang ito ay malawak na ginagamit ng mga trader ng cryptocurrency, lalo na sa mga panandaliang haba ng panahon.

Sa paggamit ng technical analysis, heto ang mga panimulang konsepto at mga instrumento para magsimula kayo:

1. Candlesticks

Ang candlestick ay isang uri ng tsart ng presyo na nagpapakita ng “high” (pinakamataas), “low” (pinakamababa),opening (pagbukas) at closing (pagsara) na presyo ng isang aseto para sa isang tiyak na panahon. Ang mga candlestick ay agad-agad nagbibigay sa tumitingin ng impormasyong tungkol sa paggalaw ng isang cryptocurrency.

Halimbawa, tingnan natin itong isang candlestick. Kung siyasatin natin ito, ang pinakamataas na presyo na inabot ng Bitcoin ay $10,000 at pinakamababang presyo na inabot ay $9,000 sa araw na ito. Nagbukas ang araw na $9,200 ito at nagtapos ang araw na $9,800 ang presyo.

2. Time Frames

Ang paggalaw ng presyo ng mga cryptocurrency ay pwedeng tingnan sa iba’t ibang haba ng panahon: oras-oras, araw-araw, linggo-linggo, at buwan-buwan. Kadalasan ang mga candlestick ay kinakatawan ang haba ng panahon na pinili ninyo sa tsart. 

Halimbawa, kung pinili ninyong tumingin ng araw-araw na haba ng panahon, ang isang candlestick ay kumakatawan sa isang araw. Kung pinili niyo naman ang linggo-linggo na haba ng panahon, ang isang candlestick ay kumakatawan naman sa isang linggo.

3. Support at Resistance

Kung maalala niyo ang mga terminong “supply and demand” sa ekonomiks, ang support at resistance ay halos pareho ang konsepto. Tataas ang presyo kapag ang demand ay mas malaki sa supply, at babagsak naman ang presyo kung ang supply ay higit pa sa demand. Gayunpaman, ang presyo ay hindi pwedeng tuloy-tuloy tumaas o bumaba. Sa isang punto, ang supply ay mas lalamang pa sa demand o 'yung kabaliktaran niya. 

Ang isang sukat o antas ng support ay kung saan may malaking demand kung saan titigil ang presyo o aatras sa isang sukat na may pataas na takbo. Ang isang sukat o antas ng resistance naman ay kung saan may malakas na supply kung saan titigil ang presyo o aatras sa isang sukat na may pababa na takbo.

4. Moving Averages

Sa statistiks, ang “mean” ay tumutukoy sa isang koleksyon ng mga numero, na sa kasong ito, mga presyo.

Kaya, ang moving average sa technical analysis ay tumutukoy sa gumagalaw na “arithmetic mean” na nagbabago depende sa pinakabagong mga presyo. 

Halimbawa, kung ang presyo ng Bitcoin sa mga susunod na sampung araw, ay magpatuloy ng $1,000 hanggang $1,100, ang 10-day moving average ay tataas din. 

Dahil ang mga moving average ay gumagalaw ayon sa mga presyo, sila ay nahuhuling mga indicator at makakatulong tiyakin ang mga posibleng support at resistance. Sa mas mahaba na termino ng moving average, mas malakas ang mga signal para makita ang tiyak na takbo ng presyo. Ang karaniwang ginagamit na haba ng moving average ng merkado ay 200 na araw.

Pros at Cons ng dalawang disiplina

Sa dalawang disiplinang ito, nag-iiba ang halaga na binibigay sa mga cryptocurrency ng mga investor, na ginagamitan ng fundamental o technical analysis o kombinasyon nilang dalawa.

Halimbawa, si Investor A ay nagsasabi na sa fundamental, cryptocurrency XYZ ay may halagang $5 pero ang sabi naman ni Investor B ay sa technical, ito ay may halagang $8. Pasok si Investor C na ginamitan ng fundamental at technical analysis, na ang sabi ay ang halaga nito ay $12.

Ang iba’t ibang paghahalaga ay magiging sanhi ng pagbili at pagbenta ng cryptocurrency XYZ sa iba’t ibang presyo - dahil sa ibang tao na iniisip na binibili nila ang isang cryptocurrency na mataas o mababa ang halaga nito base sa kanilang sariling pagsusuri. Dito pumapasok ang “volatility”. Ang volatility ay ang gawi ng aseto na umakyat o bumaba ang halaga sa isang madaling haba ng panahon.

Ang mga merkado ng cryptocurrency ay “volatile” at minsa’y hindi mahuhulaan kung saan pupunta. Para makaiwas kayo sa peligro, magagamit ninyo ang ilang mga praktis at mindset para makatulong sa paglalakbay ninyo sa pag-invest - tatalakayin natin ang mga ito sa susunod na modyul.

IBAHAGI