Bago pumasok sa mga merkado ng cryptocurrency, napakahalaga ang tamang pamamahala ng sariling mga investment. Kapag sinabi naming pamahalaan ang mga investment, hindi namin isinasaad ang pagpili ng tamang cryptocurrency na pamumuhunan. Ang pinag-uusapan natin ay ang pagprotekta ng sa kahit na anong pagwasak ng sariling portfolio.
Ang katotohanan ay madalas na pinapabayaan lang ng mga baguhan na investor na bumagsak ang kanilang mga talunan na investment. Kahit na parang “common sense” na wag palakihin pa ang mga talo, ang mga investor, lalo na 'yung mga nagsisimula pa lang, ay nadadala ng kanilang emosyon, na kumakapit ng todo sa kanilang natatalo na mga posisyon na umaasang makabawi kahit na papaano.
Sa yugtong ito, paguusapan natin kung paano iwasan iyan sa pamamagitan ng risk management at bakit kailangan na kailangan ito ng mga trader at investor.
Ang risk management ay ang pamamahala ng risk. Ang “risk” ay ang posibilidad na ang isang investment ay bumaliktad sa inaasahang kita. Halimbawa, kung bumili ka ng Bitcoin sa presyong $20,000, may risk na bababa ito sa $19,999 o higit pa. Ang risk management ay nakakatulong sa mga investor humanda para sa mga kasangkot na peligro at siguraduhin na ‘'yung mga pagkalugi nila ay kontrolado at sa mapararaan na antas.
Ang unang hakbang sa risk management ay ang pagkakaroon ng plano. Magandang simula ang pagkakaroon ng mabuting plano at sundin ito. Para makagawa ng magandang plano, dapat alam mo ang:
Bukod dito, maganda rin na mayroon kang backup na plano - isang plano kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan na mapipigilan kang gawin 'yung inyong orihinal na plano.
Halimbawa, gusto mong ibenta 'yung bitcoin ninyo, pero nagbabakasyon kayo sa lugar na walang internet, at nagsimulang bumagsak ang presyo ng bitcoin. Anong gagawin niyo kung nangyari ‘yun?
Ang position size ay ang halaga na itinabi ninyo sa portfolio ninyo para sa isang investment. Ito ay ang pangalawang hakbang. Dinidikta ng position size kung gaano kalaki 'yung risk at reward ang kaya niyong kunin para sa isang partikular na investment. Ang gintong aral sa position sizing ay huwag ipasok ang lahat ng pera ninyo sa isang investment. Ito ay dahil inilalantad ninyo ang sarili ninyo sa sobrang laking risk at maaaring mawala ang iyong buong portfolio sa isang maliit na pagkakamali lang.
Kadalasan din na ang pagpasok ng buong pondo ay nakakaapekto sa namamahala ng investment, matataranta sila dahil sa sobra sobrang risk.
Isinasaalang-alang ang mga konsepto sa itaas, pwede na tayo magpatuloy sa dalawang pangunahing estratehiya para sa risk management na ginagamit ng mga investor at trader.
Ang diversification ay ang paglaan ng inyong puhunan sa iba’t ibang mga investment para protektahan at pag-ingatan ang inyong puhunan habang kumikita ka pa rin. Siguro ay narinig niyo na 'yung kasabihang, ”Huwag ilagay lahat ng itlog sa isang basket.” Ang diversification sa mga cryptocurrency ay maaaring isama ang paglaan ng puhunan ninyo sa iba’t ibang uri ng cryptocurrency kagaya ng layer 1s, DeFi, mga stablecoin, atbp. Ang diversification sa labas ng crypto ay nakakamit sa paglaan ng puhunan sa iba’t ibang aseto, kagaya ng stocks, bonds, real estate, bukod sa crypto.
Ang Value-at-Risk ay kumakatawan sahalagang kaya mong mawala sa isang investment. Naalala ba ninyo 'yung ikatlong mahalagang punto sa nakalipas na yugtong “Paano pamahalaan ang risk”? Ang VaR ay kadalasang nakasipi bilang porsyento.
Halimbawa, kung ang estratehiya ng risk management ninyo ay itinakda ang VaR sa 1% sa portfolio ninyo na may halagang $10,000, ang ibig sabihin nito ay kaya mong itaya ng humigit-kulang na $100 sa investment na ito kung sakaling magkamali kayo sa pananaw ninyo. Ang VaR ay isang estratehiya na kadalasan ay ginagamit ng mga trader sa risk management sa mga trade nila.
Ang mga pinakamagaling na lumalahok sa merkado ay nagsasama ng mga estratehiya para sa risk management para maiwasan ang tuloy-tuloy na pagkalugi. Kung mapapamahalaan ang risk, ang mga kalahok sa merkado ay maaaring kumita sa merkado. Sa karaniwan, ang Value-at-Risk (VaR) ng 1%-2% ang ginagamit na hangganan sa pagkatalo para sa kahit na anong portfolio. Para sa portfolio na may halagang Php 100,000, ang kahit na anong trade o investment ay dapat mayroon lang risk na pagkatalo ng Php 1,000 - Php 2,000. Ang pagpreserba ng puhunan ay isang kinakailangan na estratehiyang pang-investment para siguraduhin na buo ang puhunan natin at pwede pang gamitin kapag may lumitaw na mga magandang oportunidad sa merkado. Mape-preserba din ang puhunan sa pamamagitan ng portfolio diversification sa iba’t ibang mga financial instruments kagaya ng bonds, pera, at mutual funds.
Para kumita sa mga merkado, dapat magtakda ng “investment edge” bago pumasok sa isang trade investment. Ang “edge” ay isang bagay na binibigyan ka ng kalamanagan sa ibang mga investor kagaya ng disiplina sa emosyon niyo, pagkakaroon ng access sa espesyal na impormasyon, o diskarte niyo sa pagbasa ng mga tsart.
Sa kasong ito, ang Risk Management ay makapangyarihan na instrumento na magagamit ng mga investor bilang isa sa kanilang mga edge. Mahalaga rin na malaman na ang kakayahang kumita ng isang investment edge ay maaaring magbago sa daan ng panahon habang nagbabago ang merkado, na ang bawat pangyayari o sitwasyon sa merkado ay hindi pare-pareho.
Habang ang porsyento ng inyong pagkatalo ay tumataas, ang porsyentong kailangan para makabawi ay mas lalo ding tumataas. Mahalagang suriin ito para matiyak kung magkano talaga ang kayo ninyong itaya para sa kahit na anong trade o investment bago kayo umatras sa inyong pagkalugi. Ang pagkalugi ng 50% ay nangangailangan ng pagtaas ng 100% para lang makabawi. Makikita ito sa susunod na talaan.
Bukod sa risk management, ang investor ay dapat gumamit ng tamang sikolihiyang pag-invest sa kanilang mga desisyon na pinansyal. Ang sikolihiya ng tao ay may malaking tungkulin sa pag-invest, at delikado kapag hindi nag-iingat. Nakalista sa ibaba ang mga karaniwang delikadong ugali sa pag-invest na dapat iwasan.
Ang anchoring trap ay isang biyas na tumutukoy sa sobrang pagtitiwala sa maling akala.
Halimbawa, pinag-aaralan ninyo ng isang buwan ang isang partikular na cryptocurrency, at kumbinsido ka na ito 'yung susunod na coin na puputok. Kaso nga lang, dumaan ang ilang buwan, at hindi gumalaw ang presyo ng coin. Isa pa, maraming mga alanganin na lumalabas, kagaya na hindi nagpapakita 'yung mga lumikha, at unti-unti nang nawawala 'yung mga miyembro ng komunidad, atbp. Pero, dahil sa dami ng oras na ginamit mo para sa pagsiyasat sa coin na ito, ayaw niyo nang palitan ang pananaw ninyo kahit na iba na ang sinasabi ng merkado.
Maiiwasan ang patibong na ito sa pamamagitan ng pagbukas ng inyong pag-iisip sa bagong impormasyon at mga ideya. Libu-libo ang mga cryptocurrency ang nasa espasyo para pag pilian bilang isang investor at labanan bilang isang proyekto.
Galing sa salita pa lang, ang confirmation trap ay gumagana sa paghahanap ng kumpirmasyon sa ibang tao. Ipalagay na natin na nag-invest ka sa isang makabagong cryptocurrency coin, pero sa kamalasan, nag-rug pull 'yung coin pagkatapos ng isang buwan. Siguro ay maghahanap ka ng payo at ginhawa sa ibang miyembro ng komunidad na naloko din. Gugustuhin ninyo na babalik 'yung mga lumikha at tuloy pa rin yung proyekto kahit na hindi at patay na talaga ito.
Ang pag iwas sa patibong na ito ay ang pagtanggap sa katotohanan ng pag-invest na may mga talo talaga at ito ang dahilan kung bakit napaka-importante ng risk management. Mahalaga din na mabilisang mag-move on para hindi na patagalin ang pananakit sa sarili. Kumpirmasyon ang huling bagay na kailangan mo.
Ang blindness trap ay isang biyas kung saan inaayawan ninyo ang sumasalungat na impormasyon o pananaw. Ang patibong na ito ay delikado at pinipigilan kayo harapin ang katotohanan habang maaga pa at pinipigilan din kayo tanggapin ang pagkalugi habang maliit pa.
Ang halimbawa dito ay kung may iskandalo sa internet na kasangkot 'yung tagapagtatag ng isang cryptocurrency, pero dinedma niyo ito dahil malaki 'yung in-invest ninyo sa proyektong ito.
Pareho ang solusyon nito sa anchoring trap, na dapat buksan ninyo ang isip niyo sa bagong impormasyon at dapat laging maghanda sa mga senaryo na laban sa iyo.
Ang relativity trap ay isang biyas na base sa pagtutulad sa magandang kapalaran ng ibang tao. Nakikita niyo 'yung mga kaibigan niyong bumabyahe sa Europa o bumibili ng bagong modelo ng kotse, at sinimulan mo nang ihambing ang inyong sitwasyon at kaligayahan sa kanila.
Madalas at natural lang naman na nangyayari ito sa atin. Normal lang naman ang kagustuhang makahabol sa pagbili o pag-invest ng ibang tao. Gayunpaman, dapat base ang kaligayahan at layunin niyo sa pag-invest sa sarili niyo at hindi sa ibang tao.
May panahon ba kung kailan na akala niyo na hindi kayo magkakamali? Iyan ang superiority trap. Kung sobra kayong kampante sa inyong investment o kung sa tingin ninyo ay wala nang lalamang pa sa pinili niyo, ang pakiramdam ninyo na napakagaling ninyo ay manggugulo sa inyong pag-iisip.
Walang pagkakaiba nito sa pagiging hambog at mayabang. Ang palaging mapagkumbaba ay ang susi sa tamang pag-invest. Ang pagkakaroon ng bukas na isip at pagsusuri ng mga sitwasyon na laban sa pananaw ninyo ay makakatulong din makaiwas dito.
Sa pag-invest, hindi sapat ang pagguhit ng mga magarbong linya sa tsart, makuha ang pinakabagong impormasyon, o humawak ng pinakasikat na mga cryptocurrency. Ang investor ay dapat din gumamit ng tamang risk management at dapat namamalayan ang mga sikolohiyang patibong bago kumita sa mga merkadong pinansyal. Ang pagsasagawa ng mga pinag-usapan natin sa modyul na ito ay mapapangalagaan ang inyong pera sa mahabang panahon.
Pagpalarin sana kayo, investor!