Para maintindihan kung ano ang mga Non-Fungible Token o NFT, kailangan muna ninyo maunawaan kung bakit sila fungible o non-fungible.
Ang salitang “fungible” ay tumutukoy sa isang uri ng bagay na pwedeng ipagpalit sa mga parehong bagay. Ang mga halimbawa nito ay pera, shares ng kumpanya, mga produkto, at 'yung mga pang-araw-araw na bilihin kagaya ng langis at ginto.
Isang 20 peso bill ay pwedeng ipagpalit sa isa pang papel na 20 peso bill. Isang bariles ng langis ay pwedeng ipagpalit sa isa pang bariles ng langis. Ang isang piraso ng ginto ay maipagpapalit sa isa pang piraso ng ginto. Ang mga fungible na asset ay maaring ipagpalit sa parehong bagay na hindi napapalitan ang halaga niya.
Ngayon, para maintindihan ang salitang non-fungible, alalahanin kung ano ang natutunan natin tungkol sa “fungibility” at ibaliktad ito.
Ang non-fungible ay tumutukoy sa mga bagay na hindi ipagpalit-palit o maaaring kopyahin. Hindi sila maaring ipalit sa parehong bagay, bersyon, o modelo dahil sa ibang pagkagawa, kalidad, o katangian. Ang mga halimbawa ng non-fungible na asset ay mga artwork, kinokolekta na trading cards, lupa, mga kotseng segunda mano, o kahit ang mga snowflake.
Ang isang condominium unit ay hindi pwedeng ipagpalit sa isa pang condominium unit. Ang isang painting ni Michelangelo ay hindi pwedeng ipagpalit sa ibang painting ni Michelangelo. Ang isang ticket sa sine ay hindi pwedeng gamitin para sa isa pang tiket sa sine na may ibang upuan. Ang halaga ng isang bagay na non-fungible ay isinaloob sa bagay na iyon dahil sa kanilang pagkakaiba at ang katotohanan na walang dalawang non-fungible na asset ay maaring 100% na parehong-pareho.
Ngayon, kung kunin ang pagkakaintindi ng non-fungibility at ipagsama sa cryptocurrency, ang kalalabasan ay ang Non-Fungible token o NFT, isang kakaibang cryptogaphic asset na umiiral sa blockchain na hindi kayang gayahin. Hindi pwedeng magkaroon ng lehitimong kopya ng NFT kahit na saan.
Mahuhulaan niyo ba kung ano 'yung pinakamagandang katangian ng mga NFT?
Kaya niyang kumatawan ng kahit na anong asset.
Meron kayong larawan ng paborito niyong lugar?
Pwede yan gawing NFT!
Meron kayong isang artwork na digital na ipinagmamalaki niyo?
Pwedeng pwede yan gawing NFT!
Nakuha niyo lang 'yung diploma niyo sa kolehiyo?
Pwede rin yan gawing NFT!
Sa pagbago ng isang asset sa isang NFT, ang pagka-non-fungibility ay namamana ng mga asset na kinakatawan niya na nasisigurado ang kanyang pagka-orihinal.
Yung larawan na ginawa niyong NFT ay nag-iisa lang.
Yung digital artwork na ginawa niyong NFT ay hindi makokopya ng kahit kanino.
Yung diploma niyo sa kolehiyo na ginawa niyong NFT ay hindi mananakaw ng ibang tao.
Ang cool, di ba? Ngayon, bago pa tayo magpatuloy, tingnan muna natin ang kasaysayan nito sa susunod na modyul.