Tagalog module on
Bitcoin
Powered by likha

Ang Supply ng Bitcoin

Key Takeaways
  • Magkakaroon lang ng 21 milyon na Bitcoin magpakailanman.
  • Bitcoin halving: Ito ang proseso kung saan ang mga block reward na natatanggap ng mga miner ay hinahati sa dalawa (2). Nangyayari ito bawat humigit-kulang na apat na taon.
  • Sa paglipas ng panahon, ang inflation rate ng bitcoin ay bababa ng tuloy-tuloy hanggang umabot siya ng 0 sa taong 2140.

Ang Bitcoin ay ang pinakamadalang asset sa mundo dahil magakakaroon lang ng dalawampu’t isang milyon (21,000,000) na bitcoin kailanman. Walang sinuman ay kayang palitan, pakialaman, o isaayos ang supply ng Bitcoin dahil ito ay naka-encode sa Core Client ng bitcoin.  Walang sentral na grupo ng tao na pwedeng takutin o hikayatin para baguhin ang supply ng Bitcoin, walang sentro na maha-hack, o imprastraktura na magigiba.

Talagang, 21,000,000 na bitcoin ang maiiral sa buong mundo magpakailanman

Laban sa ibang assets

Isang panandaliang pagsasanay: subukan isaalang-alang ang ibang asset o kalakal na pwedeng tingnan na uri ng pera na may nakapirming supply.

Pera na papel? Hindi. Kayang gumawa ng mas marami pa ang mga banko sentral at mga gobyerno galing sa wala.

Ginto at Pilak? Hindi rin. Bihira nga sila, pero totoo din na palaging merong pagkakataon na mamina ito ng pisikal sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.

Mga bato, mga kabibi, mga baka? Hindi rin kahit na ginagamit silang pera dati, madali lang sila mahanap kung saan-saan.

Mga painting at iba’t ibang uri ng sining? Hindi rin. Lahat ng sining ay may sarili niyang uri, pero ang mga gawa sa sining ay walang ibang katangian na dapat meron ang pera.

Sa huli, walang ibang uri ng pera na pantay sa kakauntian ng bitcoin. Sa pagsulat nitong yugtong ito, meron ng 18 milyon na bitcoin na nasa sirkulasyon sa pangkalahatang supply cap na 21 milyon. Ang ibig sabihin nito ay mayroon pang natitirang humigit kulang na 2.2 milyon na bitcoin na wala pang may-ari.

Ngayon, baka nagtataka kayo kung paano ito naging posible? Kung ang bitcoin ay desentralisadong pera, saan manggagaling ang natitirang 2.2 milyon na bitcoin? Magandang katanungan iyan.

Para masagot ito, kailangan natin maintindihan kung paano gumawa ng bitcoin.

Naalala niyo iyung mga miner na tinalakay natin sa transaksyon nina Pedro at Darna sa nakalipas na yugto? Kapag ginawa ng tama iyung mga tungkulin nila, iyung mga miner ay nakakatanggap ng bagong gawa o “newly minted” na bitcoin bilang kabayaran, na kasama na sa natitirang 2.2 milyon na bitcoin na wala pang nagmamay-ari.

Pwedeng ibalik-aral ang proseso ng bitcoin mining dito.

Ang bilis ng pagpasok ng bagong bitcoin ay bumaba bawat apat na taon. Ito ang tinatawag na Bitcoin Halving.

Ang Teorya ng Halving

Halving ang proseso kung saan ang mga block reward na natatanggap ng mga miner ay hinahati sa dalawa (2). Nangyayari ito bawat humigit-kulang na apat na taon.

Sa kasaysayan ng Bitcoin, nagkaroon pa lamang ng 3 na halving.

  • Pre-halving: Before November 28, 2012: 50 BTC
  • First halving: November 28, 2012: 25 BTC
  • Second halving: July 9, 2016: 12.5 BTC
  • Third halving: May 11, 2020: 6.25

Ang proseso ng halving ay tinatantyang magpapatuloy hanggang 2140, kung kalian wala ng bitcoin na matitirang imina. Ang lahat ng ito ay ginawa para kontrolado ang inflation rate ng bitcoin habang nagbibigay ng insentibo ang mga miner sa buong mundo na panatilihing protektado at mabisa iyung blockchain.

Halving Theory

Ayon sa teorya, ang proseso ng halving ng bitcoin ay nagbibigay ng insentibo para tuluy-tulyang gawin ng mga miner ang kanilang mga tungkulin. Ito ay nagpapalagay na ang halaga ng bitcoin ay tataas. Ganito siya gumagana:

Halved rewards -> mas konting supply -> mas Malaki ang demand -> mas mataas na presyo

Sa ganitong paraan, kahit na iyung mga gantimpala ay hinahati kada apat na taon, iyung mga miner ay makakatanggap pa rin ng halos parehong halaga ng kabayaran sa tungkulin nilang protektahan ang blockchain. Ayon sa kasaysayan, ang mga halving events ng Bitcoin ay nagpapakita ng positibong ugnayan sa presyo nito.

Ngayon, baka nagtataka kayo, anong mangyayari kung hindi tumaas ang presyo kasama ang mga mining event?

Magandang tanong iyan. At ang sagot ay…

Mining Difficulty Adjustment

Ganito gumagana ito:

Halved rewards -> ang presyo ng bitcoin ay bababa -> mas konting insentibo magmina -> titigil magmina ang mga miners -> mas madali at mas mura na ang pagmina -> mas maraming instentibo/gantimpala para sa mga miner na mananatili

Kung mas maraming miner ang aalis sa network, ang kahirapan sa pagmimina ay kusang mababawasan. Ang bawas ng kahirapan ang magiging sanhi ng mas malaking tubo para sa miners dahil gagamit sila ng mas konting enerhiya, kuryente, at lakas ng kompyuter para magawa ang trabaho nila.

Ang mining difficulty adjustment ng bitcoin ay gumagana kahit na bumaba o tumaas man ang presyo ng bitcoin.

Ang difficulty adjustment sa bitcoin ay ginagawa sa pamamagitan ng target number na tinalakay natin sa yugto tungkol Proof-of-Work.

Kapag maraming miner ang pumasok sa network, bumababa ang target number, na nagpapahirap sa mga miner hanapin ang mga tamang input. Ang kabaliktaran ang nangyayari pag umalis ang mga miner sa network.

Habang tumataas ang target number, napapadali ang trabaho ng mga miner.

Ngayon, pag-usapan natin ang inflation

IBAHAGI