Tagalog module on
Bitcoin
Powered by likha

Ang Katangian ng Bitcoin

Key Takeaways
  • Ang mga katangian ng pera ay katibayan, magagamit kahit na saan, kayang hati-hatiin, pagkakapareho, katatagan, kakapusan, at ang katanggap-tanggap.
  • Ang mga on-chain metrics ang ginagamit para maitala ang pag-unlad ng bitcoin bilang isang uri ng pera.
  • Ang paggamit ng Bitcoin ay bumilis pa lalo dahil sa mga totoong buhay na proyekto kagaya ng paggamit ng El Salvador sa Bitcoin bilang legal na pangbayad o “legal tender”, at ang Bitcoin lightning network na pinapabilis nang husto ang mga transaksyon sa bitcoin.

Sa mga nakalipas na yugto, tinalakay natin kung paano naging bagong uri ng pera ang bitcoin at naging bagong pamamaraan para maglipat ng halaga sa mga tao.

Ngayon na alam na nating kung paano gumagana ang bitcoin, tingnan naman natin kung ano ang laban ng bitcoin sa ibang uri ng pera.

Kung pag-iisipan, ang pera ay dapat mayroong pitong katangian para maging totoong mabisa: katibayan, magagamit kahit saan, kayang hati-hatiin, pagkakapareho, katatagan, kakapusan, at ang katanggap-tanggap.

Ang tanong ay meron bang lahat nito sa bitcoin para matawag itong pera?

Mga Katangian ng Pera

Katibayan

Ang pera ay dapat matibay. Ang ibig sabihin natin ay dapat nagagamit pa ito habang dumadaan ang panahon.

Halimbawa, si Pedro ay pinalitan ang kanyang relo para sa isang supot ng mansanas. Kung gugustuhin ni Pedro gamitin iyung mga mansanas na pambayad, hindi siguro tatanggapin ng ibang tao dahil ang mga ito ay mabubulok na ng ilang araw. Sino ba naman ang tatanggap ng bulok na prutas, ‘di ba?

Hindi kagaya ng fiat at ginto, ang bitcoin ay binuo sa cryptography. Ang Bitcoin ay hindi pwedeng palitan o pakialaman, o tuluyang wasakin. Ang ibig sabihin nito ay ang bitcoin ay walang dudang maaaring gamitin paulit-ulit sa mga panghinaharap na transaksyon.

Magagamit Kahit Saan

Sapagka’t ang mga transaksyon ay pwedeng mangyari kahit na saan sa mundo, ang pera ay dapat nasa porma na pwedeng magamit kahit na saan dahil ito ay nakaimbak sa mga digital wallet, na nasa loob ng kahit na anong mobile device. Kailangan niyo lang ng koneksyon sa internet. Pwedeng gumastos ng kahit na anong halaga ng bitcoin kahit na saan.

Kayang Hati-Hatiin

Ang pera ay dapat pwedeng hati-hatiin para ito ay maging isang mabisang paraan na pagpalitan, para kaya presyuhan ng mas eksakto ang mga produkto at serbisyo. Kahit na kaya ng fiat money na bahagyang gawin gamit iyung centavos bilang pinakamababang yunit, mas mahusay pa ang Bitcoin dahil nagagawang napakaliit hanggang 8 na yunit o 0.00000001. Dahil dito, ang mga bagay-bagay ay pwedeng mas tiyak ipresyo at bayaran.

Pagkakapare-pareho

Ang pera ay dapat pare-pareho kahit na saan para tanggapin at makilala. Ang anyo at gamit ng mga denominasyon ng pera ay dapat pare-pareho. Iyung 20 pesos niyo ay dapat parehong halaga ng ibang 20 pesos sa Pilipinas. Ganun din ang bitcoin na ang halaga ng isang bitcoin ay pareho ng halaga ng isang bitcoin kahit na saan man sa mundo.

Ang isang problema ng fiat money at ginto sa pagkapare-pareho ay ang pagpeke ng serial number, artipisyal na produksyon, o pinaghalong mga metal. Ito ay hindi problema sa bitcoin dahil sa cryptography na nakaloob dito.

Ang porma ng bitcoin ay hindi nagbabago. Walang nasa labas ng network ay makakagawa ng kahit na anong ibang lehitimong pisikal o digital na porma ng Bitcoin.

Katatagan

Ang pera ay dapat matatag dahil ang halaga ng mga produkto at bagay na nakapresyo ay madaling iugnay o matukoy sa mas mahabang panahon. Kung itulad sa fiat money, ang halaga ng ginto at bitcoin ay mas madalas nagbabago. Sa pagsulat nito, ang bitcoin ay isa sa mga asset na pinakamabilis magbago-bago ang halaga.

Kakapusan

Ang supply ng pera ay dapat kapos o “scarce” para hindi magbago ang halaga nito dahil sa supply at demand. Pwedeng mag-imprenta ng fiat money na walang katapusan at masasailalim ito ng hyperinflation.

Sa kabilang dako, ang bitcoin at ginto ay kapos na mga asset dahil limitado ang kalahatang supply nila.

Ang pangunahing pagkakaiba ng supply ng ginto at Bitcoin ay kahit na ang supply ng ginto ay bihira, walang nakakaalam kung gaano talaga karami ang supply nito.
Baka naman mas maraming ginto sa buong mundo sa akala natin. Gayunpaman, ang supply ng Bitcoin ay mahigpit na nililimitahan sa 21 milyon bitcoin. Walang makakapagpabago nito.

Katanggap-tanggap

Para totoong gumana ang pera, dapat tanggapin ito ng maraming tao. Kagaya ng US Dollar, maraming bansa ay tumatanggap ng fiat money bilang paraan ng pagbayad.

Dahil ito ay isa sa mga pinakabagong uri ng pera sa tatlo, ang Bitcoin ay mas limitado ang paggamit at pagtanggap sa buong mundo kung itulad sa fiat money.

Gayunpaman, lumalawak na ang paggamit nito dahil sa pagtanggap ng mga kumpanya na kagaya ng Microsoft, Twitter, PayPal, Visa, Mastercard, at Etsy na gumagamit nang digital currency.

Sa mga nabanggit natin, talo ng Bitcoin ang fiat money at ginto sa lima sa pitong katangian, bumagsak lang siya sa katatagan at katanggap-tanggap. Iyung limang katangian kung saan nanguna ang bitcoin ay isinaloob sa protocol. Walang may kaya baguhin ito, gustuhin man nila. Ginagawang mapagkakatiwalaan at maasahang uri ng pera ang bitcoin.

Ang kulang na lang sa Bitcoin ay maayos iyung dalawang natitirang katangian -  katatagan at katanggap-tanggap – na iaasahang magagawa rin sa konting panahon.

Ang Pag-unlad ng Bitcoin

Ang isang paraan para tutukan ang mga pag-unlad ng bitcoin bilang isang uri ng pera ay subaybayan siya sa pamamagitan ng mga on-chain metrics. Sa ngayon, tatalakayin natin ang Non-Zero, Balance, Mean Hash Rate, at Transfer Volume.

Ang mga on-chain metrics ay mga pamamaraan kung paano ipakita ang mga nangyayari sa Bitcoin network – lahat ng transaksyon, lahat ng miner, at lahat ng wallet ay nakabilang dito. Ang mga on-chain metrics ay posible dahil sa likas na walang naitatago sa Bitcoin.
Mahalagang alalahanin na hindi naisasali sa on-chain metrics ang mga nangyayari sa mga exchange kagaya ng Binance, PDAX, Kucoin o iba pang aplikasyon ng Bitcoin kagaya ng lightning network.

Number of Addresses with a Non-Zero Balance

Ang metric na ito ay nagpapakita kung ilang mga Bitcoin wallet sa mundo ang merong laman.

Ito ay isang mahusay na paraan para makita ang pagkatanggap ng Bitcoin dahil pag lumalaki ang non-zero balance, ibig sabihin ay mas rumarami ang taong may hawak at gumagamit ng bitcoin.

Kung nakita niyo sa tsart sa taas, napakabilis ang pagdami ng  mga wallet na mas malaki pa zero sa huling dekada!

Mean Hash Rate

Sinusukat ng mean hash rate ang mining activity sa Bitcoin network. Kinakatawan nito ang rami ng kalkulasyon bawat segundo para suriin ang mga bloke.

Pareho ng number of addresses with a non-zero balance,  gusto rin natin na iyung mean hash rate ng Bitcoin ay tumaas dahil nangangahulugang lumalaki ang seguridad at pagkadesentralisado ng network.

Paglipas ng panahon, ang hash rate ay lumalaking eksponensyal dahil dumadami ang lumalahok na mga miner sa buong mundo. Tumataas ang trend mula noong itinatag ang Bitcoin, at walang senyas na hihinto ito.

Total Transfer Volume

Huwag magpalito sa mga termino. Ang total transfer rate ng Bitcoin ay listahan kung gaano karaming bitcoin ay lumipat galing sa isang address papunta sa ibang address sa isang tiyak na takdang panahon.

Ang pagtaas ng total transfer volume ay nagpapahiwatig na mas maraming tao ay gumagamit ng bitcoin para maglipat ng yaman at gumawa ng mga transaksyon.

Kung tiningnan natin iyung tsart, makikita natin kung paano naglilipat ng milyun-milyon na dolyar ang bitcoin araw-araw. Napakalaki nito na gamit ang isang uri ng pera na nakakaisang dekadang gulang pa lang!

Pag tinignan lang itong tatlong on-chain metrics, makikita na natin ang isang pangkalahatang larawan ng paglaki ng Bitcoin bilang isang uri ng pera sa huling dekada. Siyempre, mahalaga din tingnan ang mga totoong buhay na proyekto kagaya ng El Salvador at ang Bitcoin Lightning Network.

Ang pagtanggap ng El Salvador ng Bitcoin

Ang pangulo ng El Salvador, na si Nayib Bukele, ay nagpahayag na tatanggapin na ng bansa ang Bitcoin bilang isa sa mga opisyal na pera katabi ang US Dollar.

Sa ginawang ito ng gobyerno ng El Salvador, nasa kasaysayan na ng mundo ang El Salvador na siyang unang bansang tumanggap ng Bitcoin bilang legal na pambayad.

Bakit ginawa ito ni Bukele?

Ito ay dahil sa mga remittance na isa sa mga pinakamalaking problema sa ekonomiya ng El Salvador, at ang mga remittance ay 1/5th ng GDP ng bansa. Ang problema ay ang mga mamamayan ng El Salvador ay kailangang magbayad ng napakalaking bayarin sa transaksyon kung magpapadala ng pera galing sa ibang bansa. Iyung mga pangkasalukuyang imprastraktura ay kumakain ng porsyento ng perang dapat nauuwi ng mga taga-El Salvador.

Ang mga remittance ng El Salvador ay may halagang higit-kumulang na 6 bilyon na USD. Halos kasing laki ng buong GDP ng Guam.

70% ng mga mamamayan nila ay walang kakayahang makagamit ng mga serbisyong pinansyal na tradisyunal dahil sa kakulangan ng dokumentasyon at imprastraktura. Nakita ni Nayib Bukele ang bitcoin bilang solusyon sa mga problemang ito. Ngayon, may kakayahan na ang mga taga El Salvador na magpadala ng pera na mabilis, mabisa, at mura pa.

Ang gobyerno ng El Salvador ay may 800 Bitcoin sa kanilang pambansang reserba.

Sa pagsulat nito, 1/3 ng El Salvador ay gumagamit ng Chivo na bitcoin wallet para sa kanilang pang araw-araw na transaksyon. Ipinahayag din ni Nayib Bukele na mas marami na ang gumagamit sa wallet kaysa kahit na anong isang banko sa El Salvador.

Ngayon na may bansang tumatanggap na ng cryptocurrency bilang legal na pambayad, hindi magiging sorpresa kung sumunod ang buong mundo sa madaling panahon.

Bitcoin Lightning Network

Ang Bitcoin Lightning Network ay isang Layer 2 solution na naisip nina Joseph Poon at Thaddeus Dryja noong 2015. Ginawa ang lightning network para malutas ang mga inaalalang paglaki at nagreresultang pagbagal ng transaksyon ng Bitcoin.

Ang Layer 2 Solution ay tumutukoy sa isang framework o protocol na binuo sa taas ng isang umiiral na blockchain kagaya ng Bitcoin.
Itong mga Layer 2 Solution ay nakapokus para pagbutihin pa lalo ang mga blockchain kung saan sila binuo sa mga tuntunin ng seguridad, gaano kadali palakihin, o pagkadesentralisado nito.

Ang pangkaraniwan na bilis ng transaksyon sa Bitcoin ay pinapatilihing sa humigit kulang na sampung minuto para sa mga layunin ng seguridad at bisa. Kapag ginamit itong Bitcoin Lightning Network, ang pangkaraniwang bilis ng transaksyon na dating sampung minuto, ay napapabilis nang ilang segundo na lang.

Nakakita ng eksponensyal na paglago ng paggamit ng Bitcoin Lightning Network kamakailan lang, na tumaas ng 46% sa paglipas lang ng dalawang buwan noong 2021. Iyung Bitcoin Lightning Network din ang malaking dahilan kung bakit gumagana iyung legalisasyon ng Bitcoin sa El Salvador. Iyung network ay nagbigay-daan patungo sa mga micropayments sa mga mamamayan, barbero, coffee shop, tindahan, at mga ice cream vendor – lahat sa loob ng ilang segundo.

Noong ika-23 ng Setyembre, si Jack Mallers ng Strike ay nagpahayag na ang Bitcoin Lightning Network ay ipapagsama sa Twitter. Dahil sa pagsama-samang ito, kahit na anong profile ay kaya nang magpadala ng bitcoin sa ibang profile sa buong mundo na halos walang karagdagang gastos. Ang twitter ay isa sa mga pinakamalaking social media platforms sa kasalukuyan, na may 206 million na gumagamit noong 2021.

Ito ay magandang paraan para bayaran ang mga tao para sa mga content, pagbigay sa kawanggawa, suportahan ang isang layunin, at maraming  iba pa. Pero lampas dito, naipapakita nito ang walang katapusang posibilidad na dulot ng lighting network.

Kaya din ng Bitcoin laktawan lahat ng mga tagapamagitang pinansyal na tradisyunal kagaya ng Western Union o Paypal – inaalis nito ang pangangailangan ng mataas na gastos, mahabang paghihintay, o sangkatutak na dokumentasyon.

Sa pangkalahatan, ang Bitcoin ay may pag-asang labanan ang mga tradisyunal na uri ng pangangalakal na ginagamit natin sa mga nakalipas na siglo. Ang pag-unlad at modernisasyon ay napakahalaga para tuluyan pang umikot ang mundo, at panahon na para gawin ang mga ito sa pera.

Ang Bitcoin ay nandito para baguhin ang gawaing pinansyal, at ang Bitcoin ay nagsisimula pa lang.

Bukod dun sa mga katangian ng pera na binanggit lang natin, masosorpresa kayo kung ano pang mga problema ang nalulutas ng Bitcoin.

IBAHAGI