Tagalog module on
Investing
Powered by likha

Ang Pag-trade at Pag-invest sa Crypto

Key Takeaways
  • Ang pag-invest ay ang paglaan ng mga resources kagaya ng pera, para pagkakitaan ito.
  • Ang “Active Investing” ay isang agresibong paraan ng pag-invest na ang layunin ay makuha ang pinakamalaking kita na posible.
  • Ang “Passive investing” ay konserbatibong paraan ng pag-invest na ang layunin ay taptan or lampasan ang kita ng mga index o benchmark.
  • Ang pag-trade ay ang pagbili at benta ng mga aseto sa maikiling panahon.
  • Sa pagpasok sa merkado, hindi kailangan na eksklusibong investor o trader, pwede naman maging investor AT trader.

Kung nakuha nito ang atensyon ninyo, siguradong interesado kayong matuto kung paano mag-invest ng pera ninyo at palaguin ito. Nakakasindak ang salitang “investing” dahil parang komplikadong konseptong ito intindihin, pero ito ay ang paglaan ng inyong mga resources kagaya ng pera, para pagkakitaan ito.

Sa totoo lang, ang mga investment ay nakikita kahit na saan ka pumunta, real estate, stocks, mga designer bags, mga cryptocurrency, mga negosyo - lahat ito ay pwedeng maging investment. Bakit ito ginagawa ng mga tao? Dahil inaasahan nila na ang mga asetong ito ay may benepisyo sa kanila pag tumanda sila.

Pero, importante din banggitin na takot ang mga tao mamuhunan dahil may risk din ito. Ang ibig sabihin ng risk ay mayroong kawalan ng katiyakan, kasama na doon ang pagkawala ng pera. Doon nagkakaiba ang pag-iimpok o pagtago ng pera. Mayroong hindi maiiwasan na antas na peligro para makamit ang tiyak na antas ng kita.

Dalawang Uri ng Pag-invest

Kahit na may maraming bagay na pwedeng i-invest, merong dalawang paraan para dito.

“Active Investing” ay isang agresibong paraan ng pag-invest na ang layunin ay makuha ang pinakamalaking kita na posible. Kasama dito ay ang pagbabantay, pagbibili, at pagbebenta ng mga indibidwal na mga aseto na kailangan ng malalim na pagsusuri at pagbasa ng mqa tsart. Ang halimbawa nito ay ang pagbili ng cryptocurrency na may presyong $5 ngayon, at pagbebenta nito ng $7.50 sa susunod na taon, na may kita ng 50%.

Sa kabilang dako naman, ang “Passive Investing” ay ang konserbatibong paraan ng pag-invest na may layuning tapatan o lampasan ang kita ng isang index o benchmark. Ang pera na ini-invest sa ganitong paraan ay matagal na itinatabi at kadalasan ay kinakailangan ng “buy-and-hold” na pag-iisip. Ang halimbawa nito ay ang pagbili ng Bitcoin noong 2020 at hindi pagbenta nito hanggang 2030.

Ang “Active Investing” at “Passive Investing” ay parehong may peligro sa mga investor. Sa karamihan ng kaso, walang garantisadong kahit na anong kita. Kung ganoon, ano naman ang magandang dahilan kung bakit pa nag-iinvest ng kanilang pera ang karaniwang Pilipino?

Mga Dahilan Kung Bakit Nag-Iinvest

1. Inflation

Ang “inflation” ay ang pagtaas ng mga presyo sa pagdaan ng panahon. Alam niyo ba na ang Diesel ay mas mura pa sa 8 pesos kada litro noong mga 1990s at, ngayong 2022, ay halos 100 pesos kada litro na? Habang panahon, ang mga negatibong epekto ng inflation ay nagpatong-patong at binabaan ang kakayahang bumili ng mga tao. Kadalasan, ang layunin ng pag-invest ay nakasentro sa pinakamamababang kinakailangan na malampasan ang inflation para ang pera ng investor ay lumago na mas mabilis pa sa inflation at panatilihin ang yaman.

2. Paggawa ng Yaman

'Yung ibang tao ay nag-iinvest para yumaman pa at makamit ang kanilang mga layuning pangpinansyal. Marami ang mga nag-iinvest ng maaga para lumago ang pera nila ng eksponensial dahil ang mga gusto nilang mga bagay-bagay ay kadalasang masyadong mahal at matagal bago mabili - kagaya ng mga sports car, mga lote at bahay, mga luxury watch, o 'yung pinakabagong mga gadget. Kung sapat ang laki ng kita ng isang tao, ang nakukuhang kita sa pamumuhunan ay nagbibigay kakayahang mas mabilis makamit ang mga layunin.

3. Retirement

Maraming gustong magretiro ng maaga, na hindi na nagtatrabaho pagdating ng tiyak na edad, at pa-easy-easy lang pagdating doon. Ang mga investment ay makakatulong makamit ito sa pamamagitan ng pagabot ng tiyak na halaga ay kayang masustento ang kanilang pamumuhay na hindi na kailangan pang magtrabaho.

4. Passive Income

Namumuhunan din ang tao para sa “passive income.” Sa mundo ng mga investment, may mga puhunan na hindi lang may potensyal na lumaki ang halaga pero may “gantimpala” din na pera base sa panahong nagdaan sa porma ng mga dibidendo. Ang pagkakaroon ng passive income ay makakatulong lumago pa lalo ang mga pinuhunan kung ibinalik uli ito sa ibang mga investment.

5. Kumita ng mas malaki pa sa banko

Maraming nag-iinvest dahil may potensyal itong kumita pa ng mas malaki sa inaalok ng mga banko. Sa Pilipinas, ang karaniwang inaalok ng mga banko ay 0.1-0.25% na kita taon-taon sa mga inimpok ninyong pera. Ang ibig sabihin nito ay kung mayroon kang Php 10,000 sa banko, makakakuha ka lang ng Php 25 pagkatapos ng isang taon - napakaliit, ‘di ba?

Pagdating sa mga merkadong pinansyal, mayroong pangmadaliang paraan para kumita, ang tawag dito ay “trading”.

Ano ang Trading?

Ang “trading” ay ang pagbili at pagbenta ng mga aseto sa mas madaling haba ng panahon. Mas lalong maraming ginagawa dito kaysa sa active investing, na ang ibig sabihin ay may mas malaking pabago-bago dito.

Bakit 'yung iba ay nagta-trade?

1. Pangmadaliang mga resulta

Pinipiling magtrade para sa madaliang kita. Sa magandang merkado, madaling kumita ng pera sa pag-trade. Pero, pwede ring mawala ang pera ninyo kung wala kayong disiplina at tamang kakayahan.

2. Quickly compound money

Sa madaliang kita ay kasama ang abilidad ang mabilisang tambalan ng pera. Ang mga trader na kayang i-invest ulit 'yung mga kita nila sa mga trades ay kayang palaguin ng eksponensial 'yung pera nila at malamang na mas mabilis nilang makakamit ang mga layunin nila.

3. Samantalahin ang Pagbago-bago

Ang isang pangunahing benepisyo ng pag-trade ay ang pagsasamantala sa pabago-bago ng merkado. Ang mga merkadong pinansyal, lalo na ang mga cryptocurrency, ay mabilis magbago-bago sa tiyak na panahon, kahit na sa isang araw lang. Ang volatility ang naglalarawan kung gaano kalaki at kabilis magbago ang mga presyo sa merkado. Pinagsamantalahan ng mga trader ito sa mabilis na pagbili o pagbenta kapag may volatility.

Investing Vs. Trading

Mas maganda ba mag-trade? O mag-invest? Ang sagot sa tanong na iyan ay depende sa tao, dahil 'yung dalawang paraan ay may sariling kalamangan at kahinaan.

Ano ang para sa iyo?

Kapag pumasok sa mga merkado, hindi naman dapat investor o trader ka lamang. Pwede naman magsimula bilang investor AT trader. Pwedeng itabi ng isang bahagi ng portfolio sa pag-trade at pag-invest. Sa ganitong paraan, maari niyong makuha 'yung benepisyo nilang dalawa at magkaroon ng mas malawak na pananaw kung ano ang gumagana at kung anong hindi.

Pagkatao at Lakas ng Loob

Isa pang kailangang nilay-nilayin ay ang inyong pagkatao at lakas ng loob. Kadalasan, kung risk averse ka o hindi ka mahilig sa peligro, baka mas angkop ang pag-invest ay sa inyo. Sa kabila naman, kung risk-taker ko o kaya mong humarap sa peligro, pwede mo subukan mag-trade.

Mas malaki ang lakas ng loob na kailangan kung gusto mong maging trader. Ang prioridad mo ay dapat tangi sa inyong estilo at hindi para umangkop sa iba. Ang katatapos lang sa kolehiyo ay malamang na mas malakas ang loob at mas kaunti ang mga prioridad kaysa dun sa mga kasal na at may trabaho.

Mukhang simple kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-invest o pag-trade, pero hindi ito madali. - Walang kita ng walang peligro. Pagdating doon sa dalawang paraan, walang lamang sa isa’t isa. Pareho silang may benepisyo at kakulangan. Basta may hangarin kayong aralin ang tamang mga fundamental bilang investor, trader o pareho, mapapalago niyo ang inyong portfolio sa madaling panahon.