Tagalog module on
Bitcoin
Powered by likha

Ang Mga Digital Signatures

Key Takeaways
  • Ang digital signature ay kayang suriin, at hindi madaling i-peke o pakialaman. Ito ang responsable para patunayan ang pagmamay-ari sa blockchain.
  • Wallet: isang digital wallet na kayang padaliin ang mga transaksyon sa ibang mga wallet sa network.
  • Private Key: katumbas ng inyong password sa inyong bank account.
  • Public Key: ginagamit sa pagbuo ng public address ng wallet ninyo.
  • Public Address: katumbas ng bank account number.

Isang napakaimportanteng aspeto ng blockchain ng Bitcoin ay ang cryptography. Kung wala ito, ang seguridad at ang pagkadesentralisado ng blockchain ay babagsak. Sa nakalipas na yugto, pinag-usapan natin kung paano gumagana ang hashing – na isang uri ng cryptography – kasama ng mekanismong kasunduan sa Proof-of-Work ng Bitcoin. Pwedeng ibalik-aral ang hashing dito.

Digital Signatures

Gayunpaman, ang cryptography ay hindi lang nasa mekanismong kasunduan sa Proof-of-Work ng Bitcoin, pero nandoon din siya sa mga digital wallet na ginagamit ng mga tao.

Pag-usapan naman natin ngayon ang mga digital signature. Pwedeng isipin ito na parang pipirmahan ang isang dokumento na gamit ang Microsoft Word, pero mas high-tech at mas protektado.

Para mas maintindihan pa ng mabuti ang mga digital signature, kumuha tayo ng isang halimbawa na salin sa totoong buhay.

Sabihin natin na si Pedro ay may gustong pirmahan na dokumento para sa kanyang bagong proyekto. Mas mabuti na ang pirma niya ay mayroong mga sumusunod na katangian:

1. Mapapatunayan na ito ay orihinal

2. Hindi madali i-peke

3. Protektado sa kahit na anong pangingialam

Sa kamalasan, ang mga pisikal na lagda at digital signature na nagagawa ngayon ay walang garantiya na magkakaroon nitong tatlong katangian. Kung kailan man tayo may lalagdaan na gamit ang bolpen o kompyuter, palaging magkakaroon ng panganib na may masamang taong kokopyahin o pakikialaman iyung ating pirma.

Ang mga digital signature ng Bitcoin ay ligtas sa mga ito. Ang mga ito ay mapapatunayan na orihinal, protektado, at iwas sa pamemeke.

Ang mga transaksyon sa Bitcoin ay palaging mangangailangan ng digital signature bago pumasok.

Tingnan natin kung paano ito gumagana.

Asymmetric Cryptography

Ang konsepto ng mga digital signature  sa Bitcoin network ay posible dahil sa tinatawag na asymmetric cryptography, na kinasasangkutan ng isang pares ng walang katulad na private at public key. Kailangan rin natin maunawaan kung ano ang wallet at kung ano ang public address

Wallet

Ang Bitcoin wallet ay isang digital wallet na nagpapadali ng mga transaksyon sa ibang mga wallet sa network, kagaya ng GCash at PayMaya. Karamihan ng mga wallet ay pwedeng i-download na libre, pero iyung iba ay binebenta sa pisikal na tindahan. Lahat ng wallet ay may kasamang sariling pares ng private at public key.

Private Key

Ang private key ay isang grupo ng mga random na mga numero at titik. Ito ay parang password sa inyong bank account. Hindi dapat ibahagi ito kahit na kanino man.

Public Key

Ang public key ay isang grupo ng mga numero at titik na deribado mula sa private key. Ang public key ay ginagamit para i-buo ang public address ng inyong wallet. Hindi ito delikadong ibahagi sa ibang tao. 

Public Address

Ang public address ay isang grupo ng mga random numero at titik na deribado galing sa public key. Ang public address ng wallet ay pareho sa numero ng bank account niyo - pero dito, bitcoin ang tinatanggap niyo. Ito rin ay walang problemang ibahagi  sa ibang tao.

Ang private at public key ay may isang katangiang partikular na napakaimportante sa asymmetric cryptography. Ang dalawang keys na ito ay kayang mag-encrypt ng mensahe, habang iyung isa ay kaya mag-decrypt. Alinmang key ay hindi pwedeng may parehong tungkulin na sabay sa oras sa isang proseso.

Ang encryption ay ang aksyon na pagbago ng isang mensahe sa isang hindi makilalang data. Ang decryption naman ay ang aksyon na mababalik iyung hindi makilalang data sa kanyang dating anyo.

Ang seguridad ay isang investment para sa iyong investments. 🔒🔑

Panatilihing ligtas ang iyong crypto gamit ang mga imported na hardware wallet mula sa Coin Vault PH.

Bisitahin ang Coin Vault PH ngayon →

Kung paano gumagana ang mga Digital Signature

Balikan ulit natin iyung transaksyon nina Pedro at Darna. Para makapagpadala si Pedro ng kanyang bitcoin kay Darna, kailangan niya muna patunayan na kanya iyung mga coin.

Paano? Sa pamamagitan ng isang digital signature.

Ang digital signature ay pumapasok bago mag Step 1.

Step 0.1: Ibibigay ni Darna kay Pedro iyung kanyang public address kung saan niya gusto tanggapin iyung dalawang (2) bitcoin.

Step 0.2: Ipapasok ni Pedro iyung public address ni Darna sa kanyang wallet kasama na ang ibang detalye ng transaksyon, kagaya ng rami ng bitcoin.

Step 0.3. Iyung wallet na Pedro ay pipirmahan iyung transaksyon gamit ang isang digital signature. Ito ang nagpapatunay sa pag-aari ni Pedro doon sa dalawang (2) bitcoin na gusto niyang ipadala.

Ito ay kusang ginagawa ng digital wallet. Ang kailangan lang gawin ng gumagamit ay pumindot para pirmahan iyung transaksyon. Sisiw, no?

Step 1: Pumindot ng “send” si Pedro gamit ang kanyang Bitcoin wallet

at iyung iba pang steps na sumunod…

Kung paano pinirmahan ng digital signature iyung transaksyon sa Step 0.3

Sa step 0.3, pinirmahan (naka-encrypt) ni Pedro iyung transaksyon na gamit iyung kanyang private key. Iyung mga miner sa network ay sinuri (dinecrypt) iyung transaksyon na gamit iyung public key ni Pedro, na makikita ng lahat.

Alalahanin niyong pwedeng gamitin ang alinman sa private or public key para i-encrypt ang isang mensahe at iyung isa para magdecrypt.

Sa madaling salita, iyung public key ni Pedro ang ginamit ng mga miner para patunayan na iyung digital signature ng wallet niya ay wasto.

Pwedeng isipin ito na parang isang kaha na gawa sa salamin. Sa halimbawa na ito, ang public key ay iyung susi na pinapayagan ang ibang tao na kilatasin at suriin ang mga nangyayari sa loob na walang diretsong access o kontrol sa pera.

Ang mga digital signature ay napakahalaga sa pagsasagawa ng mga transaksyon dahil sa pamamagitan ng mga signature na ito, iyung pag-aari ng pera ay napapatunayan kahit hindi ipinapakita iyung inyong private key. Ito ay lalong mahalaga sa mga network na desentralisado kagaya ng Bitcoin dahil walang nag-iisang lupon na magpapatunay kung sino ang nagmamay-ari sa mga bagay-bagay.

Kaya kung gumawa kayo ng tseke, gagamitin niyo ang pisikal na pirma ninyo. Kapag magpapadala ka ng pera galing online wallet, maglo-login ka na gamit ang inyong username at passcode/password.

Sa Bitcoin naman, pipirmahan mo ng digital signature na gamit ang cryptography.

Ang galing noh?

Nagtaka na ba kayo kang gaano karaming bitcoin ang meron sa mundo?

Daan-Daan? Libo-libo? Milyun-Milyon? Bilyon ba kamo? Pumunta na sa susunod na yugto para malaman!

IBAHAGI