Tagalog module on
Bitcoin
Powered by likha

Ang Bitcoin sa Kultura Ngayon

Key Takeaways
  • Nakapasok na ang Bitcoin sa pop culture na may sariling slang at lingwahe.
  • Ang mga ebidensya ng Bitcoin sa pop culture ay nakikita sa mga celebrity na sumusuporta dito, medya kagaya ng mga cartoon, kanta, at kahit sa mga dokumentaryo tungkol sa Bitcoin.

Sa puntong ito, siguro namang meron na kayong mabuting pagkakaunawa kung ano ang Bitcoin, para saan ito, at ano ang ginagawa nito.

Kung sakaling nagpasya kayong higit pang makipagsapalaran papunta sa mundo ng cryptocurrency, baka may mga hadlang kayong makakasalubong kagaya ng crypto jargon o slang. Pero huwag mag-alala! Tingnan natin sila ng isa-isa para hindi kayo maiwanan sa wala.

Pangkaraniwan na jargon/slang ng crypto

  • Buy the F****** Dip (BTD/BTFD): Isang pagpahayag na ginagamit na paghimok para bumili sa “dip” na kung kailan bumabagsak ang presyo ng cryptocurrency
  • Do Your Own Research (DYOR): Sariling sikap na pananaliksik bago magdesisyon mag-invest
  • Explain Like I'm 5 (ELI5): Isang simpleng maikling pagpapaliwanag
  • Fear of Missing Out (FOMO): Ang pakiramdam na naiiwan kapag nakitang lumalaki ang kita ng ibang tao habang kayo ay wala pa ring kita
  • Fear, Uncertainty, Doubt (FUD): Impormasyon na negatibo o hindi totoo
  • HODL: Isang kakaibang pagbaybay ng Ingles na salitang “hold”. Ito ay unang ginamit sa isang online forum kung saan may maling nag-type ng “hold” na “hodl”. Sa ngayon, ito ay binibigyang kahulugan bilang isangacronym ng  “Hold On for Dear Life.”
  • REKT: Galing sa salitang Ingles na “wrecked” na naglalarawan ng isang lubusang pagkalugi
  • Think Long Term (TLT): Ang pagkakaroon ng pangmatagalan na termino para sa pag-invest
  • When Lambo: “Kailan ba tayo yayaman na makakabili na tayo ng Lamborghini sa pag-invest ito?”
  • When Moon: “Kailan sasabog pataas ang presyo nito?”
  • GM/GN: “Good morning/good night” Magandang Umaga/ Magandang Gabi

Binabati namin kayo na naiintindihan niyo na ang lingo ng Bitcoin. Kagaya niyo, maraming tanyag na tao ang pumasok sa mundo ng Bitcoin. Tara! Kilalanin natin sila.

Ilhado nga mga Personalidad sa Bitcoin

Michael Saylor

Si Saylor ay isa sa mga pinakaprominenteng pangalan sa mundo ng cryptocurrency.

Si Saylor ay isa sa mga p. Ang kumpanya ni Michael Saylor ay kilala na nag-ipon ng bitcoin noong Agosto ng 2020. Para sa iba, ito ay makabuluhang pangyayari  na binuksan ang pinto para sumunod ang ibang kumpanya na bumili din ng bitcoin. Sa pagsulat nito, may 114,042 na bitcoin na pag-aari ng Microstrategy.

Jack Mallers

Si Jack Mallers ay ang CEO ng Strike, isang application na gamit ang Bitcoin Lightning network. Kamakailan lang ay ipinagsama ang El Salvador, Strike, at Twitter na nagbigay-daan sa sobrang bilis na mga transaksyong walang hangganan na halos walang dagdag na gastos.

Elon Musk

Si Elon Musk ay ang pinakamayamang tao sa buong mundo noong 2021 at isa sa mga prangkong tagapagtaguyod ng Bitcoin. Ang kanyang kumpanyang teknolohiya na Tesla ay bumili ng $1.5 bilyon na bitcoin noong Pebrero ng 2021. Ito ay isa sa mga pinakamabuluhang pag-invest ng Bitcoin sa ngayon.

Ang Tesla ay panandaliang tumanggap ng bitcoin bilang paraan ng pambayad hanggang nagkaroon ng mga isyu tungkol sa environmental usage ng Bitcoin.

Jack Dorsey

Si Jack Dorsey ang CEO ng Square at ang Twitter at tagapagtaguyod ng bitcoin simula noon pang 2017. Noong Oktubre ng 2020, bumili ang Square ng 4,709 bitcoin.

"The investment is part of Square's ongoing commitment to bitcoin, and the company plans to assess its aggregate investment in bitcoin relative to its other investments on an ongoing basis." - Square

Winklevoss Twins

Sina Cameron at Tyler Winklevoss ay kilala sa pagdemanda nila kay Mark Zuckerberg, ang CEO ng Facebook. Nung nanalo sila sa kaso, in-invest nila iyung perang napanalo nila sa Bitcoin noong 2012.

Ang kinalabasan ay kaagad-agad nasama ang kambal sa listahan ng mga bilyonaryo sa Forbes. Sila ay ngayong may-ari sa Gemini, isa sa mga nangungunang cryptocurrency exchanges.

Catherine Wood

Si Catherine Wood ay CEO at CIO ng Ark Investment Management firm. Kasama ng kumpanya niya, naniniwalang lubos sila sa mga technology stocks at mga cryptocurrency, kasama na doon ang Bitcoin. Sa isang interview sa CNBC, sabi ni Wood na inaasahan nilang tumaas ang bitcoin sa presyo ng $500,000 kada isa.

Mark Cuban

Ang may-ari ng Dallas Mavericks at isang tanyag na Shark Tank Investor, na si Mark Cuban ay isang matatag na naniniwala sa cryptocurrency. Para sa kanya, ang Bitcoin ay isang “safe haven” sa cryptocurrency space katabi ng Ethereum. Sinabi pa nga niya mas magandang “store of value” ang bitcoin kaysa sa ginto.

Tanyag din siya dahil sa pagtanggap niya ng meme na cryptocurrency na Dogecoin. Noong Marso, ang Dallas Mavericks ay nagpahayag na tatanggap sila ng Dogecoin ($DOGE) para sa mga tiket at paninda.

Snoop Dogg

Isang Amerikanong rapper, manunulat ng kanta, personalidad ng media, artista, at negosyante, nag-invest si Snoop Dogg sa Bitcoin kasing aga ng 2012 at binenta ang una niyang reggae music album, Reincarnated, noong 2013 sa halagang 0.3 bitcoin.

Nakatawag pansin din sa kamakailan si Snoop Dogg sa cryptocurrency space nung ibinunyag niyang matagal na siyang nangongolekta ng mga NFT.

Busta Rhymes

Isang Amerikanong rapper, si Trevor Tahiem Smith Jr–na kilala din sa pangalang Busta Rhymes–ay kamakailan lang naging tagahanga ng Bitcoin at naisip niyang bayaran siya gamit ito.

Sa isang tweet noong 22 ng Hulyo, 2021, sinabi ng hip-hop rapper na,

"After watching the #Bitcoin conference live with @jack @elonmusk @CathieDWood, I'm sold on Bitcoin. Officially holding Bitcoin. Looking into ETH next."

Neil Patrick Harris

Isang Amerikanong komedyante at artista–na naging tanyag dahil sa mga ganap niya sa “Doogie Howser M.D.” at “How I Met Your Mother”–si Neil Patrick Harris ay isang matatag na tagasuporta ng Bitcoin at cryptocurrencies. Nag-invest nga siya sa bitcoin nang maaga pa lang.

"I remember when I first heard about Bitcoin. Like most people, I didn't fully understand it. But at the time, the price of Bitcoin was so low, I figured I could give it a shot without risking too much." - Neil Patrick Harris

Kamakailan lang ay lumabas siya sa marketing campaign ng Coinflip, isang kumpanyang nagpapatakbo ng mga ATM ng mga cryptocurrency sa United States

Spike Lee

Isang tanyag na director, tagasulat ng senaryo, artista, at nagtatag ng 40 Acres and a Mule Filmworks, si Spike Lee ay nagdirekta ng isang crypto commercial para sa Coin Cloud na pinamagatang “The Currency of Currency”. Ang commercial ay nagtatagal ng dalawang minuto at nagpapakita ng iba't ibang mga tao na galing sa iba’t ibang dako ng mundo na gumagamit ng mga ATM ng Coin Cloud.

Tom Brady

Isang Amerikanong manlalaro ng football para sa Tampa Bay Buccaneers sa National Football League, si Tom Brady at iyung asawa niyang si Gisele Bundchen, ay nagmamay-ari ng ilang porsyento ng FTX, isa sa mga nangungunang cryptocurrency exchanges.

Noong Oktubre ng 2021, binigyan niya ng isang bitcoin ang isa niyang tagahanga bilang kabayaran sa pagbalik sa football na ginamit sa ika-600 na touchdown pass sa kanyang career.

Marami pang tanyag na tao sa listahan ng mga tagasuporta ng Bitcoin kasali na sina  50 Cent, Paris Hilton, Gwyneth Paltrow, Bill Gates, Serena Williams, Floyd Mayweather, Kanye West, Richard Branson, Steven Seagal, Maisie Williams, at Mike Tyson.

Bukod sa mga sikat na pangalang ito, ang cryptocurrency space ay nagpapakita din sa medya. Ang Bitcoin at mga cryptocurrency ay nabanggit na sa mga dokumentaryo, sine, kanta, TV show, at kahit nga, sa mga cartoons.

Bitcoin sa Popular na Medyang Kultura

The Simpsons

Sa Season 25 Episode 7, Si Krusty The Clown ay nagbiro na isang paraan para tuluyang mawalan ng pera ay malasin ng todo-todo sa Bitcoin market.

Sa Season 26 Episode 1, isang billboard na tinatampok si Jimbo Jones ay may nakasulat na “ACCEPTING BITCOIN” sa ilalim.

Sa Season 31 Episode 13, si Jim Parsons na sumikat dahil sa “The Big Bang Theory” ay lumabas sa “The Simpsons” para mabilisang talakayin ang mga cryptocurrency at ang teknolohiya ng blockchain.

Jim Parsons Explains Crypto Currency | Season 31 Ep. 13 | THE SIMPSONS

Jim Parsons Explains Crypto Currency | Season 31 Ep. 13 | THE SIMPSONS https://youtu.be/ovyMzT8rS8w

Posted by Crypto Nation Switzerland on Monday, February 24, 2020

Family Guy

Sa isang episode, kinakausap ni Lois Griffin ang asawa niyang si Peter Griffin tungkol sa kanilang gastos buwan-buwan. Sinagot ni Peter ang “Bitcoin!” na isang paraan para madagdagan ang budget nila.

Spider-Man: Into the Spider-Verse

Isang headline kung saan inulat na patay na si Peter Parker ay nagflash din ng "Bitcoin hits new high!" at "Bitcoin hits new low!"

Hulagway sa Spiderman: Into the Spiderverse:

The Good Wife

Dito unang binanggit ang bitcoin sa TV kung saan iyung mga karakter ay pinag-uusapan ang mga aktibidad nila na may bitcoin, na nagkakahalaga lang ng $3 noong oras na iyon (2012).

Silicon Valley

Nabanggit ang bitcoin ni Gilfoyle, isang karakter sa TV show na Silicon Valley. Itong comedy series nito ay nakapokus kay Richard Hendricks, isang programmer na nagtatag ng Pied Piper, isang negosyong  base sa blockchain.

“The Moon and Virtual Currencies and Me”

Ang bandang Kasostusuka Shojo ay naglabas ng kantang “The Moon and Virtual Currencies and Me.”

Pinag-uusapan sa kanta ang pag-invest sa cryptocurrencies na may lyrics na "It's hell if you buy at a high price!"; at "Don't underestimate the Market!"


“Sorry Not Sorry” by DJ Khaled (feat. Nas, JAY-Z, & James Fauntleroy) - Harmonies by The Hive

Ang kantang ito ni DJ Khaled ay may sorpresa nung biglaang banggitin ang mga salitang “Coinbase” at “cryptocurrency”.


“One and Only” by J Hus (feat. Ella Mai)

Sa kantang ito, binigkas ni J Hus ang hinaharap na potensyal ng crypto na gamit ang mga lyrics na “We stop usin' cash now we usin' crypto."


Banking on Bitcoin

Ang dokumentaryong ito, na dinirekta ni Christopher Cannucciari, ay ipinapakita ang kaso ng paggamit ng bitcoin sa mga buhay natin at ang ang kinabukasan ng pera. Ginawa ito noong 2016 sa New York City.

The Rise and Rise of Bitcoin

Isang dokumentaryo na dinerek ni Nicholas Mross na pinapakita ang pag-unlad ng Bitcoin sa mga nakalipas na taon, kasama iyung mga marahas na pabago-bago ng presyo, at ang mga kontrobersyal na pangyayari dito.

IBAHAGI