Ngayon na natalakay na natin ang Bitcoin galing sa loob at labas, halos tapos na tayo dito. Ang layo ng narating natin!
Ang huling bagay na ating tatalakayin ay kung paano ang tamang pag-invest sa bitcoin at iba pang mga cryptocurrency.
Ito ay mga pangkalahatang paalala galing sa Bitskwela team.
Ang ibig sabihin ng DYOR ay “do your own research”. Sa Filipino, gawin ang sarili niyong pananaliksik. Huwag lang bumili ng kahit na ano-anong crypto dahil may nakita kayo sa internet na ine-endorse ito. Napakaimportanteng gawin niyo ang sariling due diligence bago mag-invest sa anumang cryptocurrency.
Para sa Bitcoin, nakakatulong malaman iyung mga mahahalagang pangyayari at mga pag-uusad sa bitcoin, kagaya ng mga halving events, mga upgrade sa network, o mga pagbabagong regulasyon sa iba’t ibang bansa.
Para sa mga cryptocurrency na hindi bitcoin, palaging subaybayan ang mga katiwa-tiwalang mga pinanggagalingan ng balita, basahin ang whitepaper ng proyekto, at kilalanin ang pangkat sa likod ng proyekto. Pwede ring gawin ang iba’t ibang klase ng pagsuri, kagaya ng pagtingin sa presyo at mga macro analysis, para tulungan ang mga desisyon ninyo sa pag-invest. Ang importante ay dapat palaging kilatisin ang mga katotohanan.
Tip: Kapag nakakita na may mga alanganin sa proyekto, baka mas mabuting iwasan na lang siya.
Alalahanin na may libo-libong mga cryptocurrency sa munda. Palaging magkakaroon ng ibang pagkakataon!
Umiwas sa mga taong nag-iimbita sa inyo sa Telegram, Viber, o mga grupo sa Facebook na nagpapanggap na magbabahagi ng “secret information” sa susunod na crypto na puputok iyung presyo. Iwasan din iyung mga mensahe na nagsasabing nanalo kayo sa lotto o isang pagbibigay ng libreng crypto. 99.9% sa mga ito ay mga manloloko na pagsasamantalahan ka lang.
Lahat ito ay nakakaakit-akit na alok na tinutukso kayong sumali ng kanilang grupo o bigyan sila ng sensitibong impormasyon. Kung ito ay parang masyadong maganda para maging totoo, siguradong scam ito. Maging ligtas at pag-usapan niyo lang ito sa mga kilala at pinagkakatiwalaan ninyo.
Ngayon na ang Bitcoin ay may tandang higit pa isang dekada, pwedeng sabihin na batang bata pa ang mga cryptocurrency. Sa katapusan ng 2018, ang presyo ng bitcoin ay nasa $4,000.
Sa pagsulat nito, ang bitcoin ay nasa $60,000 na, pero matinik iyung daan papunta sa presyong ito. Sobrang bumaba hanggang -50% at -70% ang Bitcoin bago makarating dito.
Hindi na mabilang ang mga cryptocurrency na humarap sa ganitong salawahang taas at baba ng presyo. Iyung ibang mga crypto ay tumaas ng 1,000% at bumaba din ng -90% kaagad. Sa ganitong volatility, ang mga nag-iinvest ay kailangan harapin ito at maintindihan kung anong gagawin kapag nangyari ito.
Dahil sa kanyang volatility, ang pag-invest sa mga cryptocurrency ay nakabigay ng napakalaking kita sa napakaraming tao online. Ang mga taong ito ay pinagyayabang ang kanilang limpak-limpak na kinita kaya ang mga cryptocurrency ay mayroong reputasyon na madali yumaman o madaling magkapera dito.
Uulitin namin, HINDI MADALING yumaman sa crypto. Pwede ka ngang kumita ng nakapakalaki sa mga cryptocurrency, pero pwede ring mawala ang lahat nito sa isang kisapmata. Kagaya lang ng ibang mga asset, pananaliksik, sariling sikap, at pamamahala ng panganib ay napakaimportante para kumita ng pera sa crypto.
Maliban kung marami ka nang karanasan sa pangangalakal, mas mabuting huwag na muna pumasok sa mga cryptocurrency para kumita ng mabilisan. Ang cryptocurrency space ay kakasimula pa lang, at marami pang ispasyo bago lumawak ang pagtanggap nito. Kaya mas mabuti nang manatili para sa pangmatagalan.
Ang sabi nga nila, “I-invest mo lang ang pwede mong maiwala./Mag-invest lang ang pwedeng mawala.” Huwag na huwag ipasok iyung perang pangretiro o panghabangbuhay na inimpok sa mga cryptocurrency o ibang asset class. Kung ipagsasapalaran ninyo ang pera na hindi pwedeng mawala sa inyo, ang mga emosyon ninyo ay mangingibabaw sa inyo. At ang emosyon ay maaaring magpagulo sa pagdesisyon ng mga namumuhunan.
Ang dibersipikasyon ay mahusay na paraan para pamahalaan ang inyong mga pinamumuhuhanan. Ang dibersipikasyon ay kung saan ang isang nag-iinvestay mayroon sari-saring mga asset sa kanyang portfolio. Ito ay isang mahalagang paraan para pagaanin ang panganib, na kahit bumagsak ang isang asset, ang buong portfolio ay buhay pa rin.
Isa sa mga pinakamahalagang tuntunin sa pag-invest ay dapat manatiling buo ang inyong kapital. Hanggang sa hindi pa nawawala ng tuluyan ang inyong portfolio, tuloy ang laban!
Isa sa mga mas magandang paraan para maimbak ang inyong mga cryptocurrency ay sa pamamagitan ng mga hot at cold na wallet. Ang mga wallet na ito ay tinalakay natin sa yugto tungkol sa mga digital signature na makikita dito.
Kadalasan, may dalawang klaseng crypto wallets:
Ang mga hot wallet ay karaniwang mga wallet na iniimbak ang inyong mga cryptocurrencies online. Madali silang gamitin pero mas mataas ang panganib na makompromiso dahil online sila 24/7.
Sa bitcoin, ang Exodus ay ang pinakamadaling opsyon para sa mga baguhan, habang ang Electrum ay inirerekomanda para sa may mga karanasan ng gumagamit.
Para sa mga ibang cryptocurrency na hindi bitcoin, ang mga palaging ginagamit na hot wallet ay ang Metamask at ang Trust Wallet.
Sa kabilang dako, ang mga cold wallet naman ay mga wallet na kasama ng isang pisikal na device. Ito ay mas ligtas sa mga hot wallet at mas protektado sa mga kompromiso.
Kung kailangan ninyo gumawa ng transaksyon sa crypto na gamit ang cold wallet, kailangan ninyong magbigay ng pisikal na kumpirmasyon sa pamamagitan ng pagpindot sa screen bago simulan ito. Ang pisikal na kumpirmasyon ay nagdadagdag ng isa pang patong na seguridad para sa mga hawak niyo na cryptocurrency.
Ang pinakamadalas na gamitin na mga cold wallet ay ang Trezor at Ledger, na nagsusuporta ng Bitcoin, Ethereum, and iba pang mga cryptocurrency.
Kung gumamit man ng mga hot o cold na wallet, ang pinakamahalagang dapat alalahanin ay huwag na huwag ibabahagi ang inyong mga seed phrase o private keys sa kahit kanino. Ang pagbigay ng mga seed phrase o private key ay para naring ibinigay sa isang estranghero an inyong ATM card at PIN
Ngayon, lumipat naman tayo isang mahalagang tanong….
Ang cryptocurrency exchange ay kung saan ka pwede bumili, magbenta, or maglipat ng crypto online. Kahit na sino ay pwede gumawa ng account sa exchange. Ang kailangan lang ay mga wastong ID.
Ang pagpili ng tamang exchange ay depende sa ilang mga kadahilanan kagaya ng seguridad, istruktura ng mga bayarin, at ang mga pwedeng gamitin na mga cryptocurrencies. Ang mga pinakasikat na mga exchange na gamit sa Pilipinas ay ang PDAX, coins.ph, Binance, Abra, at Etoro.
Para matulungan kayo, tingnan lang ang tsart para mapagtularan ang mga exchange na ito.
Kailangan ninyo gumawa ng account para ma-access ang mga exchange, kagaya ng Facebook at Twitter.
Ito ang mga karaniwang dokumento na kailangan para mag-apply:
Kapag nakagawa na kayo ng account, kailangan niyo pondohan iyung account para makabili kayo ng kauna-unahan niyong cryptocurrency. Sundin lang ang proseso na pang deposit ng exchange, tapos pwede na kayong magpatuloy.
Pwede ko ba to pondohan gamit ang aking bank account?
Ang Binance ay isang dayuhan na exchange at wala itong opsyon na pondohan ang account dito sa pamamagitan ng mga lokal na bank account. Gayunpaman, pwedeng gamitin ang kanilang serbisyong P2P na maaaring gumamit ng mga lokal na bank account.
Paano ako mag-withdraw?
Alamin ang mga iba’t ibang klase ng order (limit, market, stop limit, etc.) at kung saang mga exchange sila magagamit. Ang ibang orders ay may kakaibang tungkulin at makakatulong sa iba’t ibang sitwasyon.
Ang mga order ay maaaring nakatali din sa mga bayarin na kailangang bayaran sa bawat pagbili or pagbenta na ginawa sa loob ng exchange.
Kapag iniimbak ang inyong mga cryptocurrency, pwede rin namang iwanan sila sa exchange kung saan binili ito. Gayunpaman, dapat malaman niyo na may kasamang panganib ito dahil ang mga Centralized Exchange (CEXs) ay madalas na sinusubukan i-hack.
Nirerekomenda namin na iimbak ang inyong mga cryptocurrency sa isang hot o cold wallet sa labas ng exchange. Ibalik-aral ang aming yugto sa mga wallet dito.
Nasa mas ligtas na lugar ang mga cryptocurrency ninyo kung iniimbak sila sa mga wallet na nasa labas ng mga exchange. Alalahanin lang na may babayaran kung magpadala ng crypto sa isang wallet sa labas ng exchange.
Paano magpadala ng Bitcoin o crypto sa ibang tao?
Ang pagpapadala ng Bitcoin o ibang crypto ay napakadali na parang A, B, C. Sundin lang ang sumusunod.
Kung magpapadala ka ng Bitcoin, kaya niyong subaybayan ang transaksyon sa pagpunta sa block explorer. Doon, maipapasok ninyo ang transaction hash na nasa wallet ninyo para makita ang katayuan nung pinadalang crypto.
Baka tumagal ng ilang segundo o minuto para tumuloy ang inyong crypto. Konting pasensya lang at huwag kabahan!