Matuto ng
Bitcoin
sama
ang Bitskwela
Kumusta kayo? Ako si Bitbit.
Kasama ko ang Bitskwela team para matulungan kayong maunawaan ang Bitcoin, ang cryptocurrency na nagsimula ng lahat, sa loob lang ng limang minuto.
Handa na ba?
Ang ating mundo ay nagiging digital – ang pakikipag-usap hanggang sa pag-stream, sa pag-aaral, sa pagbabasa, sa pamimili, at sa paglalaro. Hindi nakakasorpresa na pati pananalapi ay patungo na rin sa pagiging digital. At hindi lang GCash, Paymaya o mga banko na digital. Ang tinutukoy ko ay ang mga tinatawag na “cryptocurrency”.
Ano ba ang Bitcoin?
Ang bitcoin ay isang digital currency na unang nilikha noong Global Financial Crisis noong 2008. Wala talagang nakakakilala sa imbentor na si Satoshi Nakamoto, na nilikha ang Bitcoin dahil sa laganap na pamemeke at korapsyon sa ating mga sistemang pinansyal.
Ang Bitcoin ay may tatlong pangunahing katangian: peer-to-peer, desentralisado, at base sa cryptography. Siyasatin natin silang mabuti.
Peer-to-peer
Ang Bitcoin network ay sinusuporta ng iba’t ibang kompyuter na nakakalat sa buong mundo. Ang mga kompyuter na ito ay nagtutulungan para maging mabisa at protektado yung network.
Desentralisado
Ang Bitcoin ay walang sentral na server. Hindi katulad ng mga banko, walang isang tao o partido ang kontrolado ito. Ang ibig sabihin nito ay lahat ng tao - kahit na anong lahi, nasyonalidad, at kasarian - ay pwedeng lumahok sa Bitcoin network. Ang Bitcoin ay inklusibo sa lahat.
Naka-base sa cryptography
Ang Bitcoin ay sinusuportahan ng cryptography na ginagawa itong protektado, hindi nababago, at hindi napapakialaman. Walang makakapeke ng data para sa kanilang benepisyo.
Sa madaling salita, ang blockchain ay isang digital ledger na nag-iimbak ng data tungkol sa mga nagaganap sa Bitcoin network. Tingnan ang isang simpleng halimbawa para matulungan malarawan ito sa isip.
Isipin natin ang limang tao na may sari-sariling kwaderno. Ipangalan natin sila na Pedro, Julia, Jerome, Darna, at Ryan. Hindi sila magkakilala, kaya wala silang tiwala sa isa’t isa.
Si Pedro ay gustong magpadala ng dalawang bitcoin kay Darna, para mangyari yun, dapat magkasundo silang lima na iyung transaksyon ay wasto.
May isang lotto draw na nangyayari kung saan isa sa kanila ay pipiliin para tingnan kung iyung transaction ay tama.
Sa halimbawang ito, sabihin natin na si Julia iyung napili sa lotto draw.
Ngayon, dapat suriin ni Julia kung tama nga iyung transaksyon ni Pedro. Sa panahon na nagawa niya ito, dapat magpakita ng pruweba si Julia sa kanilang lahat na natapos niya iyung pagsuri.
Iyung natitirang apat ay kailangang sumang-ayon sa pruweba ni Julia. Kung nakita nila na nagkamali si Julia, uulitin iyung lotto at pipili ng ibang manunuri.
Pero, kung lahat sila ay sumang-ayon, iyung lima ay kailangang isulat iyung transaksyon ni Pedro at iyung pruweba ni Julia sa kanilang mga kwaderno. Pagkatapos nito, iyung (2) dalawang bitcoin ni Pedro ay napadala na kay Darna at magpapatuloy sila sa susunod na transaksiyon.
Parang ganito gumagana ang Bitcoin. Lahat ng user ay may pare-parehong kopya ng blockchain, na iyung mga kwaderno sa ating halimbawa. Sa kwadernong ito, lahat ng transaksyon sa network ay nakaimbak at tuloy-tuloy na pinaghahambing sa lahat ng iba para siguraduhin ang integridad sa network. Nangyayari ito ng paulit-ulit, araw-araw para panatilihing buhay at protektado ang Bitcoin network.
Bitcoin
Supply
Ang Bitcoin ay may nakapirming supply na 21 milyon. Walang sinuman ay kayang palitan, pakialaman, o isaayos ang supply ng Bitcoin dahil ito ay naka-encode sa kanyang code. At, wala ring sentral na grupo ng tao na pwedeng takutin o hikayatin, walang sentro na maha-hack, o imprastraktura na magigiba na makakapagbago sa supply ng bitcoin. Walang ibang asset o pera na may parehong kakapusan katulad ng Bitcoin.
Para maging tunay na mabisa, ang pera ay dapat may pitong katangian: katibayan, magagamit kahit na saan, kayang hati-hatiin, pagkakapareho, katatagan, kakapusan, at ang pagiging katanggap-tanggap.
Tingnan ang sumusunod na tsart para makita kung saan ang Bitcoin kung ikumpara sa ibang uri ng pera.