Ang Vana ay isang desentralisadong layer one na blockchain platform na nakatuon sa pagbibigay kontrol at pagmamay-ari sa data ng mga user.
Sa panahon ngayon kung saan madalas na ginagamit ng mga sentralisadong entidad ang data, nagbibigay ang Vana ng solusyon na nagtataguyod ng privacy at pagmamay-ari ng data.
Pagmamay-ari ng Data - kung saan ang mga user ay pangkalahatang nagmamay-ari, namamahala at kumikita mula sa mga modelo ng artificial intelligence (AI) na sinanay gamit ang kanilang data.
Sa mga tradisyunal na sistema, nahaharap ang mga indibidwal sa malaking hamon sa pamamahala at pagkita ng pera mula sa kanilang data. Ang sentralisasyon, mga alalahanin sa privacy, at kakulangan ng kontrol ay mga karaniwang problema.
Tumutugon ang Vana sa problemang ito sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang desentralisadong modelo kung saan ang mga user ay may ganap na kontrol sa kanilang data. Sila ay may abilidad na maingat ng kolektahin ang data, kumita ng pera, at lumahok sa pamamahala kung paano ginagamit ang kanilang data, lalo na sa pagsasanay ng mga modelo ng AI.
Ang diskarte ng Vana sa paglutas ng problema sa pagmamay-ari ng data ay nakasalalay sa dalawang pangunahing mekanismo:
Tinitiyak ng mekanismong ito na maaaring i-verify ng mga user ang halaga ng kanilang mga kontribusyon sa data nang hindi nalalagay sa alanganin ang privacy. Ang mga kontribyutor ay binibigyan ng "rewards" batay sa kapakinabangan ng kanilang data.
Nananatiling ang mga user ang may ganap na kontrol at pagmamay-ari sa kanilang data. Ginagamit lamang ito para sa mga naaprubahang layunin, na tinitiyak ang privacy at pahintulot. Pinapayagan ng sistemang ito ang data na ma-tokenize, i-trade, at magamit para sa pagsasanay ng AI, habang pinapanatili ang isang mapagkakatiwalaang kapaligiran na inuuna ang user.
Ang sentral na konsepto ng Vana network ay ang Data Liquidity Pool (DLP).
Ang DLP ay tulad ng isang merkado kung saan ang data ay itinuturing na isang mahalagang kalakal. Maaaring pagsama-samahin at kumita ng pera ang mga user sa kanilang data, katulad ng pag-trade ng mga pinansiyal na asset. Narito kung paano ito gumagana:
Kinokolekta ng mga DLP ang data mula sa iba't ibang pinagmulan, tulad ng mga indibidwal, device, o organisasyon, at pinagsasama-sama ang mga ito batay sa uri o layunin.
Kapag na-pool na, maaaring ibenta o pag-aralan ang data na ito, kung saan binibigyan ang mga kontribyutor ng isang malinaw na paraan upang kumita ng pera.
Ang mga pangunahing DLP, na tinutukoy batay sa halaga at kapakinabangan ng kanilang data, ay nakakakuha ng mga “rewards” mula sa Vana network. Maaaring mag-stake ang mga user ng mga asset sa mga partikular na DLP upang makatulong na masiguro ang posisyon sa nangungunang 16 na pool, kung saan sila ay kabahagi sa pabuya.
Kaya naman, gumagana ang mga DLP bilang isang "pool" kung saan ipinagbibili ang mahalagang data, na naghihikayat sa pagbabahagi ng data habang tinitiyak na tanging mga pinakamakabuluhang data lamang ang umaangat.
Idinisenyo ang arkitektura ng Vana upang mapadali ang pagmamay-ari at liquidity ng data sa buong network nito, habang pinapanatili ang kontrol ng user:
Tinitiyak nito na ang data ay mapapakinabangan at magagamit sa pag-trade tulad ng mga pinansiyal na asset, na may privacy at seguridad sa pamamagitan ng mga DLP.
Maaaring ligtas na ilipat ng mga user ang kanilang data sa iba't ibang platform nang hindi nawawala ang pagmamay-ari o kontrol. Ginagawa nitong mas madali ang pagbuo ng mga aplikasyon ng AI gamit ang na-verify na data.
Ang Connectome ay ang desentralisadong ledger na nagta-track ng mga transaksyon ng data sa loob ng Vana. Pinapagana ito ng isang proof-of-stake consensus mechanism, na tinitiyak na wasto ang mga paglilipat ng token ng DLP. Pinahihintulutan din ng Connectome ang interoperability sa mga network at aplikasyon na katugma ng EVM.
Ang Vana ay pinaaandar ng maraming at iba't ibang uri ng tao:
Bumubuo ng mga decentralized application (dApps) at mga instrumentong gumagamit ng data liquidity at teknolohiya ng blockchain, na sumusulong ng ecosystem ng Vana.
Nakikipag-ugnayan sa network sa pamamagitan ng paglalaan ng data sa mga DLP o pagkonsumo ng mga serbisyong handog ng mga dApps. Sila ang mga pangunahing tagapagbigay ng data at direktang nakikinabang sa halaga ng network.
Ito ang mga entidad (indibidwal, organisasyon, o device) na nagbibigay ng data na nagpapatakbo sa mga DLP. May mahalagang papel ang mga kontribyutor dahil ang kanilang data ay nagsisilbing pundasyon ng iba't ibang modelo ng AI at aplikasyon.
Tinitiyak ng mga validator ang kawastuhan at seguridad ng mga transaksyon sa Vana network, nang sa gayon ay makumpirma ang integridad ng mga data at mga kalakip na "rewards".
Responsable sa pagpapanatili ng desentralisadong ledger sa pamamagitan ng paglipat at pagsalin ng data sa buong network. Tumutulong sila sa pagpapanatiling updated ng ledger at tinitiyak ang real-time na availability ng data para sa lahat ng node.
Ang Data Portability Layer ay maaaring isipin na kahalintulad ng pisikal na silid-aklatan o library. Ito ang nagsisilbing imprastraktura kung saan nangyayari ang lahat – ang pag-uugnay ng mga tao (mga developer at user) sa pamamagitan ng mga libro (na kumakatawan sa mga DLP). Kagaya ng kung paanong ang aklatan ang nagsisilbing bahay kung saan nakatago at nakaayos ang mga koleksyon ng libro, ang Data Portability Layer ang siya ring nag-aayos ng data assets at tinitiyak ang kaligtasan ng paggamit at paglipat ng mga ito sa iba't ibang platform.
Ang Data Liquidity Layer sa Vana ay sumisimbolo sa mga libro sa aklatang ito. Ang bawat libro (DLP) ay naglalaman ng kayamanan ng kaalaman (data), na pinagsama-sama at inorganisa para ma-access ng mga tao. Samantala, ang mga librarian ay katulad ng mga validator na namamahala sa mga librong ito. Tulad ng mga librarian na tinitiyak na maayos na nakatala ang mga libro at naroon para magamit ng mga mambabasa, pinapanatili at binibigyang-patunay ng mga validator ang mga DLP. Sa pamamagitan nito, natitiyak ang integridad at aksesibilidad ng data. Bilang kapalit, binibigyan sila ng "rewards" para sa kanilang tungkulin na mapanatili ang sistema.
Ang layunin ng Connectome at Sistema ng Dewey Decimal sa isang aklatan ay magkahalintulad. Ito ang sistema ng catalog na tumitiyak na maayos ang lahat. Pinahihintulutan nito ang mabilis at madaling paghahanap ng mga libro.
Ang Vana ay gumagana sa ilalim ng isang data-powered economic model. Sa pamamagitan ng pag-aayon ng mga insentibo ng mga kontribyutor ng data, developer, at konsyumer, lumilikha ang platform ng isang collaborative ecosystem kung saan:
Mga Kontribyutor
Nakakatanggap ng mga "reward" batay sa halaga ng kanilang data.
Mga Developer
Nakakakuha ng access sa magkakaibang dataset upang mapahusay ang mga modelo ng AI.
Mga Konsyumer
Nakikinabang sa mga pinalinang na modelo ng AI batay sa mataas na kalidad na data.
Ang mga mekanismo sa pamamahala ay isinasagawa upang matiyak ang patas na desisyon nang sa gayon ay matiyak ang interes ng lahat ng mga kalahok.
May access ang mga user ng Vana sa:

Maaring pamahalaan at pagkakitaan ng mga user ang kanilang data.
Isang grupo ng mga kontribyutor ng health data ang bumubuo ng isang User-Owned Data Treasury. Ang mga indibidwal na may mga wearable device tulad ng fitness tracker ay nakapagbibigay ng data tulad ng heart rate, antas ng aktibidad, at mga pattern ng pagtulog sa isang communal pool. Ang pool na ito ng data ay nakaimbak sa isang desentralisadong platform kung saan kontrolado ng mga kontribyutor kung paano ginagamit ang kanilang data. Halimbawa, maaaring lapitan ng mga health researcher o kumpanya ang treasury na ito upang ma-access ang mga na-anonymize na data para sa kanilang mga pag-aaral. Nagbabayad ang mga kumpanyang ito para sa access, at ang mga kita ay ipinamamahagi pabalik sa mga kontribyutor batay sa halaga ng kanilang data. Binibigyang kapangyarihan ng modelong ito ang mga kontribyutor na mapanatili ang kontrol sa kanilang data habang kumikita sa halip na hayaan ang isang sentralisadong organisasyon na kumita mula dito.


Maaaring malinang ang mga AI model gamit ang user-contributed data, na tinitiyak na ang mga tagalikha ay nananatiling may-ari at nakikinabang sa resulta.
Isang grupo ng mga artist ang bumubuo ng isang kolektibo upang lumikha ng isang AI art generation model gamit ang kanilang orihinal na mga likhang sining. Ang bawat artist ay nag-aambag ng kanilang mga digital art piece upang sanayin ang AI model, na naka-program upang lumikha ng bagong sining. Nananatili ang pagmamay-ari ng mga artist sa parehong kanilang mga orihinal na likha at ang AI-generated art. Sama-samang itinatakda ng grupo ang mga alituntunin kung paano gumagana ang AI, na tinitiyak na naaayon ito sa kanilang malikhaing pangitain. Kapag nag-generate ang AI ng bagong sining, maaaring magpasya ang mga artist na ibenta ito o i-license ito para sa mga custom na proyekto. Ang mga kita ay ipinamamahagi sa lahat ng mga nag-aambag batay sa kanilang mga kontribusyon. Pinagbibigyan ng modelong ito ang mga artist na makinabang mula sa teknolohiya ng AI habang sinisiguradong napananatili nila ang pagmamay-ari sa kanilang mga likha, na nagdudulot ng isang patas at kolaboratibong ecosystem.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga user sa Vana sa maraming paraan:
Magsumite ng data sa mga DLP at kumita ng "rewards"
Maaaring bumili ng mga dataset ang mga developer at mananaliksik para sa paglinang ng AI model.
Maaaring gumawa ang mga developer ng dataDAOs, DLPs, at mga AI-powered application gamit ang mga tool ng platform.
Sa pamamagitan ng pag-validate ng mga transaksyon, tinutulungan ng mga kalahok na ma-secure ang network at mapanatili ang integridad nito.
Ang Vana ay kumakatawan sa pangunahing pagbabago tungo sa desentralisadong pagmamay-ari ng data, na nagbibigay kapangyarihan sa mga user na kontrolin ang kanilang data at ang halaga nito. Tinitiyak nito na ang data, lalo na kapag ginamit sa mga modelo ng AI, ay nakikinabang sa mga tunay na may-ari nito—yaong mga lumikha nito.
A field of computer science focused on creating machines or software that can perform tasks that typically require human intelligence.
A mathematical representation or program that is trained using data to recognize patterns and make predictions or decisions. AI models are the core of AI applications, and they improve over time as they are fed more data.
The process of teaching an AI model to recognize patterns by feeding it large amounts of data.
A decentralized digital ledger technology that records data or transactions across multiple computers (nodes) in a way that makes them transparent and immutable.
The ease with which data can be moved, accessed, or traded within a system. In Vana, data liquidity refers to how easily data can be tokenized and shared between participants within Data Liquidity Pools, making it a valuable asset that can be used in AI training or monetized.
A decentralized autonomous organization (DAO) focused on managing and monetizing data. DataDAOs are community-driven and allow users to collectively decide how data is used and how profits are distributed.
Applications that run on a decentralized network, like Vana, instead of a centralized server. These apps leverage blockchain technology to ensure transparency, security, and user control.
A database that is distributed across multiple nodes or participants in a network. Unlike a centralized system, where one entity controls the data, a decentralized ledger is shared and maintained by everyone in the network, ensuring transparency, security, and immutability. Blockchain is an example of a decentralized ledger.
A computation engine used by Ethereum and compatible blockchains to run smart contracts. Vana’s Connectome is compatible with EVM, allowing interoperability with other blockchain protocols and applications.
A foundational blockchain platform, like Bitcoin or Ethereum, that operates independently of other blockchains and provides the base layer for applications to be built upon. Vana is a Layer One blockchain focused on data ownership and privacy.
Individual computers or devices in a blockchain network that participate in maintaining the decentralized ledger. Each node stores a copy of the blockchain and can participate in validating transactions.
A consensus algorithm used by certain blockchain networks (including Vana) to validate transactions. Instead of mining like in proof-of-work (e.g., Bitcoin), participants (validators) "stake" their tokens to validate blocks of transactions. Validators are selected based on the amount of stake they have, and they earn rewards for validating correct transactions.
A process where users lock up their assets (such as tokens) in a specific DLP to help it secure rewards and governance rights. Users who stake in successful pools receive a portion of the rewards.
The movement of digital tokens (cryptocurrency or utility tokens) from one wallet address to another on a blockchain.
=