sa loob ng 5 na minuto

MAGSIMULA
1.
Sonic
2.
Mekanismo ng Konsensus
3.
Mga Pangunahing Katangian at Benepisyo
4.
Pagpapatakbo ng Validator Node
5.
Sonic vs. Fantom Opera
6.
Fees sa Network at Governance
7.
Talasalitaan
8.
Contact Sonic
Hide

Sonic

Ang Sonic ay isang Layer 1 blockchain na naka-focus sa high performance. Compatible ito sa Ethereum Virtual Machine (EVM), at nakatuon sa bilis, scalability, at seguridad.

Layunin nitong suportahan ang susunod na henerasyon ng decentralized applications (dApps).

Mekanismo ng Konsensus

Ang konsensus sa isang decentralisadong sistema ay isang mahalagang proseso na naninigurong lahat ng participants ay nagkakasundo sa kasalukuyang estado ng blockchain. Tinitiyak nito na tuluyan at ligtas na validated ang mga transaksyon sa buong network. Pinipigilan nito ang pagmamanipula ng datos.

Ang Sonic ay gumagamit ng kombinasyon ng Proof-of-Stake (PoS), Asynchronous Byzantine Fault Tolerance (ABFT), at Directed Acyclic Graphs (DAG) upang makamit ang mahusay at mabilis na konsensus.

Proof-of-Stake (PoS): Isang consensus mechanism na nagpapalakas sa seguridad at kahusayan ng blockchain sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga validators na lumikha at mag-validate ng mga bagong block base sa dami ng tokens na kanilang hawak at handang i-stake bilang kolateral.

Asynchronous Byzantine Fault Tolerance (ABFT): Pinapayagan nito ang nodes na makamit ang consensus nang hindi kinakailangang mag-confirm ng mga block sa striktong order nito. Sa halip, asynchronous ang komunikasyon, na nagpapabilis sa transaction processing at nagpapaunlad sa kabuuang efficiency ng network.

Ginagamit ng Sonic ang Directed Acyclic Graphs (DAG) upang higit pang optimized ang consensus mechanism nito. Sa DAG, ang mga transaksyon ay tinatawag na “vertices”, at ang mga relasyon nila sa isa’t-isa ay mga “edge”. Ang estruktura na ito ay nagbibigay-daan para sa sabayang pagproseso ng maraming transaksyon at iniiwasan ang mga bottleneck na karaniwang nangyayari sa tradisyonal sequential block processing.

Proseso ng Konsensus ng Sonic

Pagsumite ng Transaksyon: Ipinapadala ng user ang transaksyon sa network.

2. Batching: Binubuo ng validator ang transaksyon sa isang bagong event block.

3. Root Event Block Formation: Kapag ito ay inaprobahan ng karamihan sa validators, ang event block ay nagiging root block.

4. Finalization: Inaayos at inilalagay ang root event block sa main chain — ang opisyal na talaan ng blockchain.

Tumatagal lamang ito ng mas mababa sa isang segundo, kaya nakakamit ng Sonic ang mabilis na transaction finality. Ang bilis nito, panalo!

Mga Pangunahing Katangian at Benepisyo ng Sonic

1. Bilis at Scalability

Isa sa mga pinakamalakas na katangian ng Sonic ay ang kakayahan nitong magproseso ng napakaraming transaksyon sa maikling panahon:

  • Transaction Throughput: Kaya ng Sonic na magproseso ng hanggang 400,000 TPS (transactions per second), bagay na akma sa mga high-demand na aplikasyon gaya ng gaming at DeFi.

  • Sub-Second Finality: Ang mga transaksyon ay nakukumpleto sa loob ng mas mababa sa isang segundo, na nagbibigay ng instant na kumpirmasyon at mas magandang user experience.

2. Buong EVM Compatibility

Dahil compatible ang Sonic sa Ethereum Virtual Machine, maaaring gumamit ang mga developers ng mga pamilyar na tools at libraries. Pinapasimple nito ang deployment ng smart contracts at hinihikayat ang mga Ethereum developers na gumamit ng Sonic.

3. Developer-Friendly Incentives

Nagbibigay ang Sonic ng incentives upang lalong maenganyo at suportahan ang mga developers:

  • Fee Monetization (FeeM): 90% ng network fees mula sa kanilang apps ay mapupunta sa developers, na nagdudulot ng sustainable revenue model.

  • Innovator Fund: 200 milyong S tokens ang nakalaan upang makapag-onboard ng mga bagong proyekto at suportahan ang innovation ng ecosystem.

  • Airdrop Rewards: Karagdagang 190,500,000 S tokens ang ipamimigay upang ma-incentivize ang user engagement sa Sonic at Opera chains.

4. Deployment ng mga Smart Contract

Madaling mag-deploy ng smart contracts dahil sa matatag na infrastructure ng Sonic.

RPC Connections:

  • Blaze Testnet: [https://rpc.blaze.soniclabs.com]

  • Mainnet: [https://rpc.soniclabs.com]

5. Staking at mga Validator Reward

Hinihikayat ng Sonic ang users na lumahok sa network sa pamamagitan ng staking mechanism.

  • Staking Platform: Maaaring i-stake ang native token na S gamit ang MySonic.

6. Sonic Gateway: Tulay ng Ethereum at Sonic

Ang Sonic Gateway ay isang decentralized bridge na nag-uugnay sa Ethereum at Sonic.

Paano ito gumagana?

Deposit: Ang assets ay tumatagal ng humigit-kumulang 15 minuto sa Ethereum, at halos 1 segundo sa Sonic.

Heartbeat: Ang mga transaksyon ay pinoproseso kada 10 minuto mula Ethereum papuntang Sonic, at kada 1 oras pabalik mula Sonic.

Claim: Maaaring i-finalize at kunin ng mga user ang assets sa destination chain.

7. Mga Seguridad na Mekanismo

Pinatupad ng Sonic ang mga security feature nito upang maprotektahan ang users at mapanatili ang integridad ng network:

Pagpapatakbo ng Validator Node

Ang mga validator node ay mahalaga sa pagpapanatili ng integridad at seguridad ng network. Sila ang nagpapatunay ng mga transaksyon, lumilikha ng mga bagong block, at nagpapatakbo ng kabuuang katayuan ng blockchain.

Mga Hakbang para Maging Validator

1. Launch a Server Instance

Gumamit ng dedikado o cloud-based na server na may sapat na resources.

2. Install Necessary Software

I-setup ang mga kinakailanganang blockchain tool.

3. Sync with the Network

Kumonekta sa nodes ng Sonic upang manatiling updated sa mga bagong transaksyon.

4. Create a Validator Wallet

Siguraduhing nakatago nang ligtas ang pondo at mga key ng validator.

5. Stake S Tokens

Kailangan ng minimum na 500,000 S bilang self-stake (maaari pang baguhin sa hinaharap).

6. Register and Activate

Kumpletuhin ang setup upang makalahok sa network validation.

7. Maintain Uptime

Kailangang panatilihing online at operational ang node upang makaiwas sa penalties.

Sonic vs. Fantom Opera

Ang Sonic ay orihinal na inilunsad sa Fantom Opera (FTM) blockchain, ngunit ngayon ay nag-transition bilang isang independent Layer-1 blockchain na. Ang migrasyong ito ay nagbigay-daan upang mas mapaayos ang features at modelo ng pamamahala ng Sonic.

Detalye ng Token

  • S Token: Native asset ng Sonic na ginagamit para sa transaction fees, staking, governance, at validator rewards.

  • FTM to S Upgrade: Kailangang i-withdraw ang staked FTM at i-convert ito sa S pagkatapos ng waiting period.

Fees sa Network at Governance

Ang transaction fees sa Sonic ay dinisenyo upang maging patas at sustainable para sa buong ecosystem:

Fees Distribution

Para sa mga transaksyon sa non-FeeM apps: 50% ng transaction fee ay burned, 45% ay napupunta sa validators, at 5% ay inilalagay sa Ecosystem Vault.

Para sa mga transaksyon sa FeeM apps: 90% ng transaction fee ay napupunta sa developer ng app, 10% ay napupunta sa validators.

Talasalitaan

Airdrop

Libreng crypto tokens na ibinibigay sa mga user, karaniwang bilang reward para sa engagement o pagpapalaganap ng bagong proyekto.

Asynchronous Byzantine Fault Tolerance (ABFT)

Isang paraan upang ang mga blockchain node ay magkasundo sa data kahit may ibang nodes na hindi gumagana nang ayos, nang hindi kailangan maghintayan. Pinapabilis at pinapaligtas nito ang network.

Bridge

Isang tool na gamit upang mailipat ang crypto mula sa isang blockchain (hal. Ethereum) patungo sa isa pa (hal. Sonic).

Consensus Mechanism

Pamamaraan ng mga blockchain upang masiguro na lahat ay nagkakaisa sa katotohanan. Ginagamit ng Sonic ang kombinasyon ng PoS, ABFT, at DAG.

DAG (Directed Acyclic Graph)

Isang estruktura na nagpapahintulot sa sabayang pagproseso ng maraming transaksyon, imbes na maghintay nang paisa-isa. Pinapabilis nito ang network.

Developer Incentives

Mga reward na ibinibigay sa mga gumagawa ng app, tulad ng bahagi ng transaction fees o grants, upang ipagpatuloy ang pagbuo ng kanilang mga proyekto sa platform.

EVM Compatibility

Sinusuportahan ng Sonic ang Ethereum Virtual Machine, ibig sabihin puwedeng tumakbo rito ang mga Ethereum app.

Finality

Ang estado kung kailan ang isang transaksyon ay 100% na nakumpirma at hindi na maaaring baguhin. Sa Sonic, nangyayari ito nang hindi lalagpas ng 1 segundo.

Gas Fee

Maliit na halagang ibinabayad upang maproseso ang isang transaksyon. Sa Sonic, ito ay napupunta sa validators o developers depende sa app.

Governance

Pamamaraan kung paano bumoboto ang komunidad at nagpapasya sa mga pagbabago sa network. May kapangyarihan ang token holders at validators dito.

Mainnet

Ang aktwal na bersyon ng blockchain kung saan may tunay na palitan ng halaga (kumpara sa testnet na para sa testing lamang).

Proof-of-Stake (PoS)

Isang consensus model kung saan ang mga tao ay nagla-lock ng tokens upang tumulong sa seguridad ng network. Kapag mas maraming tokens ang naka-stake, mas malaki ang kapangyarihan mong mag-validate.

Smart Contract

Code na awtomatikong tumatakbo sa blockchain. Ginagamit ito upang bumuo ng mga dApps.

Staking

Pagla-lock ng iyong tokens upang tumulong sa seguridad ng network at kumita ng rewards.

Sub-Second Finality

Tumutukoy sa bilis ng Sonic sa pagkumpirma ng mga transaksyon nang hindi hihigit sa isang segundo.

Validator

Isang kalahok na nagpapatunay ng mga transaksyon at nagpapanatili ng blockchain. Kailangan nitong may naka-stake na tokens at palaging online.

Wallet

Isang digital na tool para pagi-imbak at pagma-manage ng crypto. Ang mga validator ay may espesyal na wallet na ginagamit para sa kanilang mga responsibilidad.

In partnership with Bitskwela and Sonic.

Copyright 2025. All Rights Reserved.